Deanna's POV
"Mukhang sinunod mo yung advice ko ha" sabi ni Jov sakin habang naglalakad lakad kami
Yung totoo inaya ko lang talaga syang maglakad lakad, wala naman kaming pag uusapan tungkol sa trabaho.
Nakwento ko kasi kagabi kay Jov yung tungkol samin ni Jema dati, pinaamin nya kasi ako dahil nahahalata nya daw.
Flashback...
"Deanna, umamin ka nga sakin, si Jema yung dahilan kung bakit ka nagkakaganyan no? Kung bakit ka nalulungkot?" tanong sakin ni Jov nang makaalis sila Jema
"Pano mo nasabi?" tanong ko sa kanya
"Halata kasi eh, kanina ko pa kayo tinitingnan ni Jema, nahuhuli ko din si Jema kanina na tingin ng tingin sayo" sabi nya sakin
Pumunta kami sa tabing dagat at umupo kami sa buhanginan.
Ikinuwneto ko kay Jov yung nangyare samin ni Jema dati, nakinig sya ng maigi.
"Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit nawala sya sakin" sabi ko sakanya pagkatapos kong magkwento, "Alam mo ba dati, feeling ko ako na yung pinakamaswerteng tao dahil meron akong isang Jema na mahal na mahal ako, pero sa isang pagkakamali bigla nalang naglaho yung lahat" dagdag ko pa
"Deanna, wag mong sisihin yung sarili mo, tandaan mo, dalawa kayo sa relasyo. Oo nakagawa ka ng mali... Nasa kanya na yon kung bibigyan ka ng chance, nasa kanya na yon kung pano nya tatanggapin yung pagkakamali mo, kaso mas pinili nyang palayain ka" sabi nya sakin, "Pero alam mo sa nakikita ko kay Jema ngayon, parang nahihirapan sya kapag nakikita ka nyang malungkot" dagdag nya pa, tumingin ako sakanya
"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya
"Edi ipakita mo na masaya kana talaga, ipakita mo na kaya mong maging masaya kahit wala sya, kasi parang feeling ko yun nalang yung gusto nyang mangyare sayo ngayon, yung maging masaya ka" sabi nya
"Paano ako magiging masaya? Parang hindi na yata ako magiging masaya" sabi ko sa kanya
"Kung gusto mo magpanggap ka, haha! Kunware masaya ka, wag mo ng bigyan ng isipin si Jema, lalo na't malapit na syang ikasal. Kung ako sayo sulitin mo nalang yung mga araw na kasama mo sya, kasi kapag kinasal yan hindi mo na magagawa uli yan. Saka wag mong ipapakita kay Jema na nakakaawa ka, hahaha! Pakiramdam ko din kasi naaawa sya sayo... nagiging sad girl ka eh" sabi nya
"Magpanggap? Kaya ko bang magpanggap?" tanong ko sa kanya
"Hindi ko alam, subukan mo para malaman mo... magpanggap ka ng magpanggap hanggang sa maging totoo yang pagpapanggap mo..." sabi nya sakin, "Saka mabuti nalang at nagkaroon na kayo ng closure, alam kong nakakabawas yun sa bigat na nararamdaman mo" dagdag nya pa
End of Flashback...
"A-Ang hirap palang magpanggap na masaya no?" tanong ko sa kanya
"Talagang mahirap yon, hanga nga ako sayo eh, haha parang totoo nga na masaya kana" sabi nya sakin
"Tama yung sinabi mo kagabi, yung gusto nalang talagang mangyare ni Jema ay yung maging masaya ako... Sabi nya sakin kanina makita nya lang daw akong masaya okay na daw sa kanya yon, best gift na daw yon para sakanya" sabi ko, umupo ako sa buhanginan, "Pero ang hirap maging masaya kahit hindi kanaman talaga masaya, ang hirap pag usapan yung isang bagay na ayaw nyo namang pag usapan... Nasasaktan parin ako eh" dagdag ko pa
Tumabi sakin si Jov.
"Alam kong kaya mo yan, part yan ng pagmomove on, hayaan mo lang na masaktan ka hanggang sa mamanhid, maniwala ka sakin, yang pagpapanggap mo na masaya magiging totoo din yan, balang araw ngingiti ka ng walang halong pagpapanggap" sabi sakin ni Jov pagkatapos niyakap nya ako kaya napayakap din ako sa kanya
