Part 58

1.5K 73 16
                                        

Jema's POV

Maaga kaming nagising ngayon, balak kasi naming maligo sa tabing dagat.

Habang nagluluto kami nila Jho ng breakfast nagkukwentuhan naman sila Bea habang nagkakape. Si Deanna naman inaayos yung gamit nya dahil sisimulan nya na yung kailangan nyang gawin dito.

Mukhang okay na din sila kasi nagpapansinan na sila. 

"Tao po!" sabay sabay kaming napatingin sa kumatok, tumayo si Tots at binuksan yung pinto.

Alam kong bata yung kumatok dahil pang bata yung boses.

"Ano yon? Wala kaming yelo dito" sabi ni Tots kaya natawa kami

Baliw talaga to... pagtripan ba naman yung bata...

"Ay hindi naman ho kami bibili ng yelo, may gusto laang kaming itanong saiyo" rinig kong sabi ng batang babae

"Ano yon?" tanong ni Tots

"Dine ho ga nakatira si Ate Deanna?" tanong ng batang babae, tumingin si Tots kay Deanna

"Deanns, may mga unano na naghahap sayo" sabi ni Tots kay Deanna

"Ay hindi ho kami unano, mga bata ho kami" sabi ng bata, natawa kami nila Jho

"Deanna, kilala mo ba 'tong mga to?" tanong ni Tots kay Deanna, tumayo si Deanna at lumapit sa pintuan.

"Oh! Argus, Kulot pasok" sabi ni Deanna

"Kilala mo sila?" tanong ni Tots kay Deanna

"Oo, nakilala ko sila kahapon" sagot ni Deanna, pinapasok nya yung dalawang bata

Napangiti ako nang makita ko yung dalawang bata.

Ang cute!!

"Hala ang cute naman ng dalawang bata!" sabi ni Jho habang nakangiti

Umupo sila sa sofa, tinabihan naman sila ni Deanna. 

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Deanna, "Ang aga aga... baka hanapin kayo ng parents nyo" dagdag nya pa

"Ay hindi ko rin ho alam kung bakit ako narine! Ayan si Argus itanong nyo ho, sya yung gustong gusto na pumunta dine, sinamahan ko laang sya" sagot ng babae, narinig kong natawa si Gel

"Deanna, anong name nila?" tanong ni Gel

"Ahh itong lalaki si Argus, itong babae naman si Kulot" sabi ni Deanna

"Eh sino ga itong mga kasama mo na kay gaganda?" tanong ni Kulot kay Deanna

Isa isa kaming pinakilala ni Deanna. 

"Ito si Ate Bea, si Ate Tots, si Ate Gel, si Ate Kamuy, Ate Ced, Ate Jho, Ate Kyla, at Ate Jema" pakilala ni Deanna habang tinuturo kami isa-isa

"Hello po mga ate" bati ni Kulot samin

"Hi! Ang ganda at ang pogi nyo naman" sabi ni Jho

"Ay salamat ho!" sabi ni Kulot

"Ate Deanna, sila po ba yung nag away sayo kahapon? Sila po ba yung dahilan kung bakit ka umiiyak kahapon?" tanong ni Argus kay Deanna, biglang namula yung mukha ni Deanna 

"Umiyak ka kahapon Deanns?" tanong ni Gel kay Deanna

"H-Ha? H-hindi ah!" pagtatanggi ni Deanna pagkatapos tumingin sya kay Argus, "Diba sabi ko napuwing lang ako?" tanong ni Deanna kay Argus

"Ay sya! Wag ng magsinungaling at ikaw ay huling huli na!" sabi ni Kulot kaya nagsitawanan kami

"Haha! Umiyak ka pala Deanns eh! haha!" asar ni Tots kay Deanna kaya tiningnan sya ng masama ni Deanna. Lihim naman akong natawa

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon