Part 56

1.1K 59 21
                                    

Deanna's POV

Nandito ako sa dalampasigan, kakaunti lang yung tao dito, nakaupo ako sa buhanginan.

Nainis ako kay Bea kanina kasi parinig ng parinig, kesyo wala daw akong kwenta, mabuti nalang at inawat kami nila Gel.

Biglang nangilid yung luha sa mga mata ko.

Akala ba nila si Jema lang yung nasaktan dati? Nasaktan din ako...

Pinunasan ko yung luha ko.

"*hik! Ang sakit sakit na ha... S-Simula nung umuwi ako dito p-puro sakit nalang yung naramdaman ko *hik!" sabi ko sa sarili ko habang umiiyak

"Ate, bakit ka po umiiyak?" napatingin ako sa batang nakaupo sa harap ko

Ang cute naman nito... sino ba to?? Nasaan yung mga magulang nito?

Nagpalinga linga ako, pero wala akong makitang medyo may edad dito.

"Bakit ka umiiyak po? May nag away po ba sayo?" tanong uli ng bata sakin

"Hindi ako umiiyak no! N-Napuwing lang ako" pagsisinungaling ko

"Sabi po ng tita ko bawal daw mag sinungaling" sabi nya sakin

"Sino ka ba? Nawawala ka ba?" tanong ko sa kanya

"Ako po si Argus, dyan lang po yung bahay namin" sabi nya habang nakaturo sa isang magandang bahay

"Bata baka mawala ka, umuwi kana sa inyo" sabi ko sa kanya

"Argus nga po yung name ko" sabi nya

"Edi Argus" sabi ko habang naka pout

"Bakit ka nga po umiiyak?" tanong nya sakin

Ang kulit naman nito! Paiyakin ko din kaya to??

"M-May nakaaway lang ako" sagot ko habang nakakunot noo

"Ate, wag ka ng umiyak. Piliin mong maging mabuting tao" sabi nya sakin kaya napatingin ako sa kanya

Aba! Linyahan ko yan ha...

Huminga ako ng malalim..

"Hindi mo ako maiintindihan kasi bata ka pa, balang araw maiintindihan mo din ako" sabi ko sa kanya

"Ano po yon?" tanong nya sakin, napangiwi ako

Sabi na eh, hindi nya ako maiintindihan...

Tumingin ako sa kanya.

"Umuwi kana sa inyo" sabi ko sa kanya

"Dito muna po ako, ano pong name nyo?" tanong nya sakin

"Deanna" sagot ko

"Ahh, Ate Deanna yung itatawag ko po sayo" sabi nya sakin, tumango naman ako, "Ate Deanna wag ka ng umiyak ha" sabi nya sakin kaya tumango uli ako

"Argus!" tawag ng batang babae sa kanya

"Sino naman yan?" tanong ko kay Argus

"Si Ate Kulot po" sagot nya

"Kulot? Kasi kulot sya?" tanong ko sa kanya, natawa naman si Argus

Hahahah! Ang cute nya talaga...

"Kanina kapa namin hinahanap, nandito ka lang pala" sabi ni Kulot sa kanya, "At sino ga itong magandang babae na kasama mo?" tanong nya kay Argus, natawa ako dahil sa sinabi nya

"Si Ate Deanna" sagot ni Argus

"Magkapatid ba kayo?" tanong ko sa kanila

"Ay hindi ho, pinsan ko ho sya" sagot ni Kulot

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon