Deanna's POV
"Deanna!!" sigaw ni Ced nang makapasok kami sa room, nakaramdam naman ako ng hiya dahil halos lahat ng classmate namin tumingin sakin
"Grabe ka naman Ced, nakakabingi ha" reklamo ni Kamuy
"Hahahah wala lang, natuwa lang ako nung nakita ko si Deanna" sabi nya habang nakangiti
"Hahaha ayaw pa kasing aminin, may gusto ka kay Deanna no?" tanong ni Ced sa kanya
"Crush lang.. ito naman" sabi ni Ced
"Nandito na pala yung slapsoil haha!" sabat ni Tots habang nakatingin sakin, inis syang tiningnan ni Ced
"Hoy! ikaw tigil tigilan mo tong si Deanna! Hindi ka inaano nito, ang epal mo!" inis na sabi ni Ced sa kanya
"Haha! Ano bang nagustuhan mo dyan??" tanong sa kanya ni Tots
"Bro wag mo namang ganyanin si Deanna, palagi ka nalang mainit sa kanya" sabi ni Gel
"Wag ka ngang makialam Gel!" inis na sabi ni Tots sabay tingin sakin, "Naiirita ako kapag nakikita ko to eh" sabi ni Tots sabay turo sakin, tumayo sya at inambahan ako kay humarang si Ced sakin
"Hey! Tama na yan!" awat ni Gel at Kamuy
Matalim akong tumingin kay Tots, "Porket ba mahirap ako ginagawa mo na to sakin? Ano bang ginawa ko sayo? Hindi naman kita inagrabyado ha, maka asta ka kala mo ang dami kong kasalanan sayo..." sabi ko sa kanya, biglang kumunot yung noo nya
"Aba! Sumasagot ka pa! Paglinisin kita ng buong campus dyan eh!" inis na sabi ni Tots
"Tama na yan! Wag nang patulan yan, lalong nang aasar eh" sabi ni Ced at inakay na nya ako sa upuan namin
"Oo nga, bakit ba natin pinansin yan?" tanong ni Kamuy
Nang makaupo kami tumingin sakin si Ced at para bang awang awa sya sakin.
"Okay ka lang?" tanong nya, pilit naman akong ngumiti
"Oo naman.. kailangan kayanin, saka ganyan na talaga yan si Tots sakin first year palang kami" sagot ko
"Kahit na, hindi parin tama yon" sabi ni Ced
"Oo nga.. epal lang yan" sabi ni Kamuy
"Tama na yan, pag narinig kayo nyan gulo nanaman" sabi ko sa kanila
Kahit ako hindi ko alam kung bakit ganyan sakin si Tots.. Dati naman nginingitian nya ako..
Tumayo si Tots at lumapit samin.
"Ako ba yung pinag uusapan nyo?" seryosong tanong nya samin, napayuko naman ako
"Bakit? Eh ano naman kung ikaw yung pinag uusapan namin?" pang aasar ni Kamuy
Biglang may pumasok na prof kaya napatingin kami saglit sa unahan, pagkatapos tumingin uli samin si Tots
"Humanda kayo sakin, lalo kana Deanna.." sabi nya at nag lakad na sya pabalik sa upuan nya
"Baliw talaga yon, di ko magets..." sabi ni Ced habang nakakunot noo
Hindi ko na siya pinansin kasi nag start na yung prof namin mag turo.
Maghapon kaming busy sa class, ang dami dami nang mga pinapagawa sa amin, mga mga homework na din kami.
Hay! Puyat nanaman aabutin ko nito... Gagawin ko nalang sa library mamaya pagkatapos kong magtrabaho...
Makalipas ang ilang oras uwian na namin.
"Deanns, saan ka maglilinis ngayon?" tanong sakin ni Kamuy
"Ayy!! Alam ko na to.." parinig ni Gel kaya natawa ako, tiningnan naman sya ng masama ni Kamuy
![](https://img.wattpad.com/cover/325152780-288-k107863.jpg)