Part 27

1.3K 70 20
                                    

Deanna's POV

"Gumagalaw si Deanna.." rinig ko yung boses ni Gel

Naramdaman kong may nagsilapit sakin.

Nang maimulat ko yung mata ko nakita ko sina Ced, Tots, Gel, Kamuy, at Ate Aby.

Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Tots sa magkabilang balikat kaya napasimangot ako.

"Deanns! Kamusta yung pakiramdam mo?? May masakit ba sayo?? Masakit ba ulo mo?? K-Kilala mo pa ba ako?? ano?? nagka-amnesia ka ba??!" sunod sunod na tanong ni Tots sakin

"O-Oo, k-kilala pa kita Tots..." sabi ko sa kanya, napahawak naman sya sa dibdib nya

"Hay salamat!" sabi nya

"Makayugyog naman to kay Deanna" rinig kong sabi ni Ate Aby kay Tots

"Ang OA ha.." rinig kong sabi ni Ced

Umupo sa tabi ko si Ate Aby.

"Kamusta? Masakit ba yung ulo mo?" tanong nya sakin

"M-Medyo mahapdi lang yung noo ko te" sagot ko

"Nag alala sayo yung lola mo" sabi nya sakin

"Pwede na ba akong umuwi?" tanong ko sa kanya

"Oo naman, hinihintay ka lang talaga naming magising, grabe, maghapon kang tulog" sabi ni Ate Aby sakin

"S-Sino nga pala yung pumalo sakin?" tanong ko sa kanila

"Si Riri.." sagot ni Ate Aby, kumunot yung noo ko

"S-Sino yun?" tanong ko sa kanya

"Dating volleyball player, p-pero ang sabi nya inutusan lang daw sya ni Bea" kwento ni Ate Aby

"B-Bea?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya

"Pero tinatanggi ni Bea, hindi daw sya nag utos non" sabat naman ni Tots

"Nalaman na din ni Jema na pinapaiwas ka ni Bea sa kanya" sabi naman ni Gel kaya napatingin ako sa kanya,"Kaya nagalit sa kanya si Jema" dagdag nya pa

"Si Jema nga pala yung nagbantay sayo dito kanina..  ayiiiieee!!" asar sakin ni Tots, tiningnan naman sya ng masama ni Ced kaya tumahimik sya

Napayuko ako.

Si Bea ba talaga yung nag utos? Para kasi sakin hindi nya magagawa yon.

"Deanna, anong iniisip mo?" tanong ni Ate Aby sakin

"H-Hindi ako naniniwala na si Bea yung nag utos don sa Riri na yon" sabi ko sa kanila, nagkatinginan naman sila

"Pano mo nasabi?" tanong ni Kamuy sakin

"Sabihin na nating pinagbawalan nya ako na lumapit kay Jema, pero sa tingin ko hindi sya yung tao na gagawa ng ganong bagay" sagot ko

"Ehh sya kasi yung tinuturo ni Riri" sabi ni Gel

Huminga ako ng malalim.

"Basta..." sabi ko sa kanila

Halos isang oras pa kaming nag stay sa clinic, nang makalabas kami agad akong hinatid sa bahay ni Ate Aby.

Nang makauwi ako agad akong sinalubong ni lola.

"Apo!" lumapit sya sakin at tiningnan yung benda sa ulo ko, "Nag alala ako sayo! pupuntahan na sana kita kanina!" sabi nya pagkatapos yumakap sya sakin, niyakap ko naman sya pabalik.

"Sorry po, pinag alala ko pa po kayo" sabi ko sa kanya

"Ate..." lumapit din sakin si Peter at niyakap din ako

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon