Part 65

1.3K 68 70
                                    

Deanna's POV

Habang nag iihaw ako nag iinuman na sila Jema.

"Deanns! Shot na!" sabi sakin ni Bea, ngumiti ako

"Sige lang Bei, nag iihaw pa ako" sabi ko, tumayo sya at nakita kong may dala dala syang alak.

"Oh! inumin mo yan habang nag iihaw, hahah!" sabi nya sakin nang makalapit sya

"Thanks Bei" sabi ko sa kanya, tumango lang sya habang nakangiti

"Jema, saan yung honeymoon nyo ni Ate Ella?" tanong ni Tots kay Jema, bigla akong napahinto sa pagpapaypay

"Napag usapan namin sa Japan" rinig kong sagot ni Jema

Bigla akong napainom ng alak ng marinig ko iyon.

"Wow! Balak nyo ba kaagad magka baby?" tanong ni Ced kay Jema

"Mmm depende, pag uusapan pa namin" sagot ni Jema

Napainom uli ako ng alak

Aray ha! Ang sakit na!

"Sana magka-baby na kayo para naman may inaanak na kami" sabi naman ni Bea

Pinagpatuloy ko yung pagpapaypay ko sa iniihaw ko, dito ko binuhos yung sakit na naramdaman ko kaya ang ending sobrang lakas ng pagpapaypay ko kaya halos magliyab na yung uling.

"Kailan nga pala yung dating ni Ate Ella?" tanong ni Gel

"Next week pa" sagot ni Jema, "Namimiss ko na nga yon eh" dagdag nya pa

Pinaypayan ko uli ng malakas yung iniihaw ko.

Iinom sana uli ako ng beer kaso wala na palang laman yung bote.

Nagulat ako nang may maglagay ng isang bote sa harap ko, tiningnan ko kung sino yung naglagay non.

"J-Jov"

"Parang galit na galit ka sa iniihaw mo ha" sabi nya sakin, "Okay ka lang ba? Sino dyan yung nang away sayo at kakainin ko?" tanong nya sakin habang tinuturo yung mga iniihaw ko, napangisi ako dahil sa sinabi nya

"Wala, nasasaktan lang ako dahil sa mga naririnig ko" mahinang sagot ko para hindi nila kami marinig

Uminom uli ako ng alak.

"Dahan dahan, baka malasing ka kaagad" sabi nya sakin

"Mabuti na yon, nang makatulog na ako" sabi ko sa kanya

"Nakakaawa ka talaga..." asar nya sakin, pilit akong tumawa

"Talagang nakakaawa!" sang ayon ko sa kanya, "Gusto ko na ngang umiyak eh" dagdag ko pa

Lumapit sakin si Jov at nag back hug sya sakin.

"Kaya mo yan Deanns, alam kong malalagpasan mo din yan, maniwala ka sakin, balang araw tatawanan mo nalang yung mga bagay na nagbibigay ng sakit sayo ngayon" bulong sakin ni Jov, napapikit naman ako dahil pinipigilan ko yung luha na nagbabadyang pumatak

"Tingnan nyo si Deanna at Jov, nagsosolo hahah! Magkayakap pa! Hahah!" sabi ni Tots kaya napalingon kami sa kanila

"Hahah! tingnan nyo si Deanna parang iiyak na.." sabi ni Kamuy, napatingin ako kay Jema at nakita kong nakatingin din sya sakin, halata sa mukha nya yung pag aalala habang nakatingin sakin

Mabilis kong pinunasan yung luha ko.

"Sorry guys ha, pinaiyak ko yung kaibigan nyo, sabi ko kasi sa kanya uuwi na ako, kaso ayaw nya, dito daw muna ako sa tabi nya, kaya ayan.. iniyakan ako hahah" sabi ni Jov

Alam kong sinabi nya lang yon para hindi malaman ng mga kaibigan ko na nasasaktan ako dahil sa mga pinag uusapan nila.

"Hahaha! Ayiiee!! Sige magyakapan lang kayo dyan, maya maya punta kayo dito ha!" sabi ni Bea

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon