Part 17

1.5K 79 22
                                    

Deanna's POV

Napapikit ako ng makalabas si Jema.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan din ako kasi baka anong isipin ni Jema sakin.

Nakakahiya...

Bigla kong naalala yung pagdampi ng labi ko sa labi nya, dampi lang yon pero ramdam ko yung lambot ng labi nya.

Bigla akong napangiti, nahawakan ko din yung labi ko pero nakalimutan kong meron pala akong sugat doon kaya napangiwi ako..

"Awwtsss.." daing ko

Naglakad ako papunta sa CR at tumayo ako sa tapat ng salamin, pagkatapos dahan dahan kong nilagyan ng gamot yung gilid ng labi ko, pagkatapos ko lumabas na ako ng CR.

Hindi parin bumabalik si Jema..

Inilibot ko uli yung paningin ko sa loob ng kwarto nya..

Ang lawak ng kwarto nya, kasing laki na ata ng bahay namin to..

Naglakad ako papunta sa may mga shelves at tiningnan ko isa isa yung mga picture na nakalagay doon.

Biglang nawala yung ngiti ko nang makita ko yung mga picture nilang dalawa ni Bea.

Neneng pa sila dito... matagal na nga talaga silang magkakakilala..

May nakita akong pictures sa ibabaw ng shelves, 2X2 pictures ni Jema..

Napatingin ako sa pintuan..

Wala pa sya...

Tumingin uli ako sa picture

Hindi nya naman ata mapapansin na nagkulang ito kung kukunin ko to diba?? Remembrance lang..

Kumuha ako ng isa at inilagay ko sa wallet ko, nang mailagay ko iyon sa wallet ko ipinagpatuloy ko yung pagtingin tingin ng mga picture ni Jema.

Hehehe ang cute nya nung baby pa sya...

Maya maya narinig kong bumukas yung pintuan kaya napalingon ako doon.

Nakita ko si Jema na may daladalang tray at merong nga pagkaen at Juice na nakalagay doon.

Inilapag nya iyon sa maliit na lamesa at tumingin sa akin.

Halata parin na naiilang sya dahil hindi sya makatingin ng deretso sakin.

"Deanna, kaen tayo para makapagpahinga ka na.." sabi nya sakin

Lumapit ako sa kanya at umupo sa sofa.

"Thank you.." sabi ko habang nakangiti, tumabi sya sakin at kumuha na din ng pagkaen.

Tahimik lang kaming kumaen, pinakiramdaman ko din sya at ramdam ko parin yung ilang nya..

Nailang tuloy sya...

Nang matapos kaming kumaen itinabi nya yung pinagkainan namin, naglakad sya papunta sa cabinet nya at may kinuha doon, maya maya lumapit sya sakin at inabot yung tootbrush.

"Bago yan..." sabi nya, napangiti ako at kinuha ko iyon

"Thank you Jema" sabi ko, naglakad ako papunta sa CR at nag tootbrush, pagkatapos kong mag toothbrush sya naman yung pumasok sa CR.

Nakaupo lang ako habang hinihintay ko si Jema.

Maya maya lumabas na sya sa CR.

"Oh, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nya sakin, napatayo ako

"Uhm, s-saan pala ako matutulog?" tanong ko sa kanya, tinuro nya yung kama nya..

"Dyan, tabi nalang tayo" sabi nya, tumaas yung dalawang kilay ko..

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon