Part 61

1.2K 63 18
                                    

Jema's POV

Nakaidlip na ako dito sa sofa pero hindi parin nakaka uwi si Deanna.

Nakapikit parin ako hanggang ngayon, yung nga kaibigan ko nandito parin sa sala dahil hinihintay din nila si Deanna.

Maya maya...

"Good Evening guys!! Bat gising pa kayo??!" rinig kong boses ni Deanna, pero hindi parin ako dumidilat

Medyo kumunot yung noo ko.

Bakit parang ang hyper nya ngayon?

"Hinihintay ka namin eh haha! Akala nga namin hindi kana uuwi" sabi ni Tots

"Eh si Jema? bakit dyan sya natutulog?" tanong ni Deanna sa kanila

"Eh baka naman hinihintay ka din?" tanong din ni Tots sa kanya

"Hahah! De, baka nakatulog lang" sabi ni Deanna

Naramdaman kong may tumabi sakin pagkatapos tinapik tapik ako.

"Jema!" rinig kong boses ni Deanna

So sya yung tumabi sakin...

"Jema... lipat kana sa kwarto mo, malamig dito.." pangungulit ni Deanna sakin, pero hindi parin ako dumidilat

"Huy Deanna, natutulog yung tao eh!" saway sa kanya ni Kyla

"Mukhang nakainom si Deanna, hahah! Ang kulit eh" sabi ni Bea habang natatawa

Hindi sila pinansin ni Deanna at tuloy lang sya sa kakagising sakin

"Jema!! yuhhhuuu!! Gising..." pangungulit sakin ni Deanna, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis

"Ano ba Deanna, natutulog yung tao eh!" kunwareng reklamo ko

"Lumipat kana kasi don sa kwarto mo" sabi nya sakin

Kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Ikaw! Matulog kana nga don sa kwarto nyo!" kunwareng sermon ko sa kanya

"Hahah! Parang nakalimutan ata ni Deanna na ex nya yang kausap nya, hahah!" sabi ni Gel

"Hindi ko nakakalimutan yon nuh! Saka okay na kami ni Jema, natanggap ko na!" sabi ni Deanna, "Wait... Jema saan ba gaganapin yung kasal nyo?" tanong nya sakin

Bigla akong nanibago sa kanya

"Guys, anong balak natin sa kasal ni Jema? Paparty ba tayo?" tanong ni Deanna sa kanila kaya napatingin uli ako sa kanya

Anong nangyare dito??

"Aba! Mukhang naka move on na ha! Hahah! Good yan!" sabi ni Tots

"Naku! Lasing lang yan" sabi naman ni Kyla

"Hindi ako lasing, nakainom ako pero konti lang, maayos pa yung pag iisip ko" sagot ni Deanna

"Talaga lang ha?!" tanong ni Kyla sa kanya

"Oo nga..." sagot naman ni Deanna

Tumingin uli sakin si Deanna.

"Ano? Lipat kana don sa kwarto nyo" sabi nya sakin

"Mamaya na, ang kulit ha!" inis na sabi ko, narinig kong natawa si Jho

"Guys, nabanggit na din naman ni Deanna yung kasal ni Jema pag usapan na natin kung ano ngang gagawin natin bago yung kasal ni Jema" sabi ni Bea

"Parang trip ko yung mag beach uli tayo" suggestion ni Ced

"Okay yun!" sabi ni Deanna kaya napatingin uli ako sa kanya

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon