Deanna's POV
Nang makabalik ako sa hotel, pagpasok ko sa room namin sinalubong ako ng lola ko.
"Deanna, saan ka ba nag sususuot at ngayon ka lang umuwi? nag alala ako sayong bata ka!" sermon sakin ni Lola, lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi
"Muuuaaaahh!! lola naman wag ka ng mag alala sakin, galing lang po ako doon kila Jema, pina-dinner na nila ako doon.." sabi ko kay Lola
"Talaga?" tanong ni Lola sakin
"Yup! At ang babait nila La'!" sabi ko habang nakangiti
"Ate, ang ganda ng ngiti mo ngayon.." asar sakin ni Peter, lumapit ako sa kanya at kiniliti ko sya
"HAHAHAHA ATE TAMA NA! Hahah!" sabi ni Peter habang tumatawa
"Apo, tama na yan, mamaya hindi makatulog yang kapatid mo" sabi ni lola sakin
"Opo.." sabi ko habang nakangiti
Kumuha ako ng damit at pumasok sa CR para gawin yung night routine ko.
Habang nasa CR ako hindi ko mapigilan yung ngiti ko.
Kinikilig parin talaga ako.. hahaha!
Nang mag hihilamos na ako bigla akong natigilan.
Oo nga pala, sa kanang pisngi pala ako hinalikan ni Jema.. yung kaliwa nalang yung huhugasan ko hehehe!
Naghilamos ako pero yung kaliwa lang na mukha, yung kanan hindi ko binasa.
Pagkatapos kong gawin yung night routine ko lumabas na ako ng CR, paglabas ko nakita kong nakahiga na si Peter at si lola.
Nahiga na din ako sa tabi nila, nagkwentuhan muna kami, pero maya maya nakatulog na sila Peter at Lola.
Habang nakahiga ako iniisip ko si Jema.
Tulog na kaya sya??
Tumayo ako at kinuha yung notebook at gitara ko pagkatapos pumunta ako sa balcony.
Feeling ko kasi inspired akong gumawa ng kanta ngayon...
Inisip ko uli si Jema at naalala ko yung tumambay kami sa tabi ng dagat kagabi, yung magkatabi kami sa duyan.
Nag sulat ako sa book...
Hmmm okay.. ito nalang, 'Nasa duyan at ikaw ang katabi..'
Nag isip uli ako at naalala ko yung reaction ni Jema nung nakita nya yung mga alitaptap na nahuli ko, nagsulat uli ako sa book.
'Alitaptap at buwan ang liwanag natin...'
'Di mapigil ang ngiti sa'ting labi...'
'Matatapos ang gabing ikaw ang kapiling'
Nilagyan ko na din ng mga chords yung kanta, at sinubukan iyong kantain.
Nag strum ako sa gitara ko.
"Ehem! Ehem! 🎶Nasa duyan at ikaw ang katabi..
Alitaptap at buwan ang liwanag natin...
Di mapigil ang ngiti sa'ting labi...
Matatapos ang gabing ikaw ang kapiling🎶"
Napangiti ako ng makanta ko iyon ng maayos..
"Ayos! heheh!" bulong ko sa sarili ko habang nakangiti..
Ilang oras din akong nag isip ng iba pang lyrics, hanggang sa mabuo ko yung kanta hanggang chorus..