Jema's POV
Hi, ako nga pala si Jessica Margarett Galanza, 19 years old, dito kami nakatira sa Manila, dati kasi sa Laguna kami nakatira, pero pinaparentahan nalang namin yung bahay namin doon dahil nandito yung business ng daddy ko at trabaho ng Mommy ko.
Si daddy may business na talyer, marami na din kaming branch dito sa Manila.
Si Mommy naman isang teacher sa isang private school.
Ako naman at yung kapatid ko na si Mafe, sa Ateneo nag aaral.
Yung kapatid ko naman na si Ate Jov teacher na din sa isang private school at isang coach ng volleyball team.
Mayaman kami pero simple lang yung buhay namin. Masaya kami lalo na kapag magkakasama kami, katulad ngayong bakasyon kailangan sulitin namin yung pag sasama namin bilang pamilya, kapag may pasok na kasi busy na uli kami.
"Anak! Jema! bilisan mo na, aalis na tayo, malayo pa ang byahe natin!" sigaw ng mommy ko
"Opo Mom! wait..!" sigaw ko din, inaayos ko kasi yung mga dadalhin ko. Pagkatapos kong mag ayos nagmadali na akong bumaba, pag dating ko sa labas, kumpleto na sila doon sa sasakyan.
"Ano ba yan si Ate! ang tagal! excited na akong pumunta sa Zambales eh!" inis na sabi ng kapatid ko, inirapan ko naman sya
"Alam mo Mafe dapat nauna kana doon..." asar ko sa kanya
Nag asaran lang kami ni Mafe habang nasa byahe, nakisali na din samin si Ate Jovi, nag tatawanan naman sila mommy at daddy.
Papunta kami ngayon sa Zambales, sa resort namin, mag babakasyon kami ng 1 week doon, yes meron kaming resort sa Zambales, nabili ni daddy yon dati. Sabi nya kasi magandang investment daw yon. Baka sa mga susunod na taon ipapaayos nya yon para pagkakitaan. Isang bahay palang kasi yung nandon, at ayon yung tinutuluyan namin kapag pumpunta kami doon.
Nag stop over kami sa isang Ministop.. bumaba ako para bumili ng drinks.
Pagkapasok ko sa Ministop agad akong pumunta sa beverage area at nakita kong bukas na yung ref dahil merong isang babae na naka long sleeve na white at naka-cap. Lumapit ako sa ref na nakabukas, napatingin ako sa Chuckie kaya naman hinawakan ko iyon, kaso nauna na yung babae na hawakan iyon kaya napatingin ako sa kanya.
Nang makita ko sya nagulat ako..
W-Wait.. ito yung classmate ko sa isang subject ha... yung babae na nasobrahan sa talino at katahimikan... Pero nakikita ko sya tuwing hapon na naglilinis sa school kaya alam kong working student to...
Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa pagkatapos ngumisi ako..
"Oww! tingnan mo nga naman, diba ikaw yung classmate ko sa isang subject namin?" tanong ko sa kanya
"A-Ako nga.." sagot nya, napangiti ako
"Tingnan mo nga naman... at anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
"Bibili..." sagot nya, dahil nainis ako sa sagot nya napa roll eyes ako
"Alam mo, akala ko ba matalino ka?? Ibig kong sabihin sa lugar na to..." sabi ko sa kanya
"Bibili nga..." sagot nya uli
"I mean dito???" tanong ko uli
"Oo, dito... saan pa ba??" sagot nya uli
God! bigyan nyo po ako ng pasensya!
"Alam mo ang gulo mong kausap.." mataray na sabi ko, napatingin sya sa gilid nya at may binulong
"Anong binubulong bulong mo dyan?" tanong ko sa kanya, tumingin uli sya sakin
"Wala... tinatanong mo ko kung anong ginagawa ko dito diba? sa tingin mo nasaan ba tayo ngayon??" tanong nya sakin
![](https://img.wattpad.com/cover/325152780-288-k107863.jpg)