Part 31

1.6K 72 56
                                    

Jema's POV

Monday...

Nandito na ako ngayon sa room namin.

"Si Bea?" tanong ko kay Kyla

"Ay, absent sya ngayon bes, may aasikasuhin daw kasi sya" sagot ni Kyla sakin

"Ahhh, kaya pala" sabi ko

"Teka lang bes, parang nay kakaiba sayo ngayon.." sabi ni Kyla, tiningnan nya yung mukha ko

"A-Ano yun?" tanong ko sa kanya

"Parang blooming ka ngayon ha!" sabi nya habang nakangiti

"A-Anong blooming? H-Hindi ah.." utal na sagot ko

"Weh?? hahaha mukhang may ikukwento ka sakin.." sabi nya sakin

"A-Ano naman yon??" tanong ko sa kanya

"Sus! Nagmamaang-maangan ka pa! Hahaha, kahapon ng umaga galing ako sa inyo! Ang sabi ni Mafe hindi ka pa umuuwi simula noong Saturday, kasama mo daw si Deanna..." kwento ni Kyla, napayuko ako habang nakangiti, "Ayyiieee! Hahahah! Magdamag kayong magkasama ni Deanna! OMG!" asar nya sakin

"Ssshhh! ang ingay mo naman eh!" inis na sabi ko

"Kayo na??" tanong nya sakin habang nakangiti, nakagat ko yung hinlalaking daliri ko at tumango ako

"Oo" sagot ko habang nagpipigil ng kilig

Hinampas ako ni Kyla sa balikat

Arraaaayyyyy...

"Aaaayyiiieeeee!! Hahahah kilig ako bes!" sabi nya

"Ang ingay mo bes hahah!" saway ko sa kanya habang natatawa

"Ano ka ba.. happy lang ako for you!" sabi nya, ngumiti naman ako

"Thank you bes.." sabi ko sa kanya

"Basta wag ka lang nyang sasaktan, lagot sya sakin pag nagkataon" sabi niya sakin, ngumiti lang ako. 

"Alam ko naman na hindi nya gagawin yon" sabi ko sa kanya

"Aba! Dapat lang!" sabi ni Kyla, natawa nalang din ako

Maya-maya dumating na yung prof namin, buong klase akong walang maintindihan dahil antok na antok ako. 

Isinandal ko yung ulo ko sa kamay ko dahil napapapikit na ako. 

Maya maya siniko ako ni Kyla. 

"Bes, mamaya makita ka ng prof!" bulong sakin ni Kyla

"Inaantok ako bes" sabi ko sa kanya, biglang nag vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko iyon. 

****

From: BB <3

B... Tingin ka sa labas ng pinto

****
Napatingin ako sa labas ng pinto, yung pinto kasi namin may clear glass. 

Nakita ko doon si Deanna na nakangiti, at biglang ngumuso, at sinenyasan akong makinig sa prof. natawa naman ako. 

Ewan ko ba, bigla akong nagising... 

Nagba-bye na sya sakin at tumango lang ako.. maya maya nagvibrate uli yung phone ko. 

****

From: BB <3

B, aral mabuti... I love you! <3 \\(^^)//

****

Mas lalong lumaki yung ngiti ko.. 

Oo nga pala, ganto yung mga emoji nya kasi keypad yung phone nya. 

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon