Deanna's POV
Sunday...
Ilang araw na yung lumipas at tulad ng sinabi sakin ni Jema hindi na nya ako kinulit o nilapitan.
Ilang araw din akong pinaparusahan ng pagka-miss ko sa kanya.
Alam kong nasaktan ko sya, pero alam kong ito yung pinakatama kong gawin... Baka kasi kapag nakita kami ni Bea na magkasama baka magalit sya at baka paalisin ako dito sa school. Ano ba namang laban ko doon? Mayaman yon at mahirap lang ako.
Napatingin ako kay lola na nakaluhod at nagdadasal, nandito kasi kami sa simbahan at dahil day off ko sumama ako sa kanya para tulungan syang magtinda, kaso kanina inaya nya ako dito sa loob para magdasal, iniwan muna namin si Peter sa tindahan.
Pero imbes na samahan ko syang magdasal naka upo lang ako at nagbabasa, sa Wednesday na kasi yung exam para don sa scholarship for international students.
Nang matapos ng mag dasal si lola tumabi sya sakin.
"Apo, alam mo ba kung bakit kita sinama dito?" tanong nya sakin, umiling naman ako, "Kasi ilang araw ko ng napapansin na malungkot ka, ang lalim din minsan ng iniisip mo" dagdag nya pa, hindi ako sumagot at nakatingin parin ako sa book na binabasa ko, "Apo, bakit hindi ka magdasal? Ipagdasal mo yang bumabagabag sa isip mo" sabi nya sakin, sinarado ko yung librong binabasa ko at tumingin ako kay lola
"La, kahit naman ilang beses akong magdasal hindi nya naman papakinggan yun eh" sabi ko kay lola sabay tingin sa rebulto na nasa harapan
"Ssshhh!! ikaw talagang bata ka! nasa simbahan tayo!" saway nya sakin, napangiwi naman ako
"Totoo naman po kasi eh, dati halos maglakad ako ng nakaluhod sa simbahan... pinagdasal ko po na wag nya munang kunin sila mommy at daddy, pati narin sila ate, pero anong ginawa nya? Kinuha nya parin... kaya simula noon nawalan na po ako ng tiwala sa kanya" sabi ko habang nakatingin parin sa rebulto
"Diyos ko pong mahabagin! Patawarin mo po ang apo ko!" bulong ni lola, napailing ako
"Kung hindi nya lang kinuha ng maaga sila mommy, daddy at sila ate edi sana hindi ganito kahirap yung buhay natin ngayon... Edi sana hindi po kayo nagtitiis magtinda dito" seryosong sabi ko sa kanya
Edi sana may maipagmamalaki ako kay Jema ngayon... Hindi din sana ako inaapi o minamaliit ng iba...
"Apo, tandaan mo... lahat ng nangyayare sa buhay natin may dahilan, alam kong magiging worth it din ito pagdating ng araw, alam kong hindi tayo pinapabayaan ng Panginoon" sabi nya sakin, hindi nalang ako nagsalita dahil ayaw ko ng humaba yung usapan namin tungkol dito
Maya maya bumalik na kami sa tindahan.
"Hi Deanna!" napatingin ako sa biglang sumulpot at napangiti ako ng makita ko si Tots
"Oh Tots, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
"hehehe, wala lang, napadaan lang, nakita kasi kita eh kaya nag stop ako dito" sabi nya habang nakangiti
"Ganon ba?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya, tumingin ako kay lola, "La, si tots po, classmate ko" pakilala ko kay Tots
"At kaibigan nya po lola.." sabi ni Tots pagkatapos lumapit sya kay lola para mag bless
"Kaawaan ka ng Diyos iha.." sabi ni lola sa kanya
"Ito naman si Peter, kapatid ko" sabi ko kay Tots
"Uy! pogi ha! hahaha" sabi ni Tots habang nakatingin kay Peter, "Hi Peter!" bati nya sa kapatid ko, nginitian lang sya ni Peter
"Deanna, pwede ba kitang ayain mag coffee?" tanong ni Tots sakin
"Bakit?" tanong ko sa kanya
"Wala lang, gusto ko lang makipagkwentuhan sayo, hahaha sa school kasi hindi tayo nagkakakwentuhan kasi palagi mong kasama yung mga kaibigan mo" sabi nya, tumingin ako kay lola
"La, alis lang po ako saglit, babalik lang ako mamaya" paalam ko
"Sige apo, mag iingat ka ha" sabi ni lola, ngumiti ako at tumango, nagpaalam din si Tots sa lola at kapatid ko
Sumakay kami sa sasakyan nya at naghanap kami ng malapit na starbucks, nang makahanap kami agad kaming nag stop doon.
"Deanna, hintayin mo ako dun sa upuan" sabi ni Tots habang nakaturo sa bakanteng upuan, tumango lang ako pagkatapos nag lakad na ako papunta sa upuan, nang makaupo ako napatingin ako kay Tots.
Ano naman kayang pagkukwentuhan namin??
Maya maya nakapag order na sya at lumapit na sya sakin, may dala dala syang isang tray at isang paper bag ng Starbucks.
"Kamusta kana?" tanong nya sakin ng makaupo sya, "Coffee mo" inilapit nya sakin yung coffee
"T-Thank you... okay lang naman ako, eh ikaw? Ginugulo ka parin pa ng humabol satin nung nakaraan?" tanong ko sa kanya
"hahaha hindi na, nabayaran ko na sila eh" sagot nya, natawa naman ako
"Baliw ka talaga" sabi ko sa kanya
"Eh ikaw? Kamusta yung pag iwas mo kay Jema?" tanong nya sakin, napatingin ako sa kanya
"P-Pano mo nalaman?" tanong ko sa kanya, natawa naman sya
"Hahaha, secret..." sabi nya, tiningnan ko sya ng masama kaya natawa uli sya, "Hahaha, joke lang, narinig ko kasi kayo ni Gel nung nakaraang araw na nag uusap, alam mo na, hahaha marites" sabi nya
Marites pala to eh..
"Bakit mo iniiwasan?" tanong nya sakin
"Hmm, kasi yun yung tama?" tanong ko din sa kanya
"Bakit naman?" tanong nya uli sakin
Ikinuwento ko sa kanya yung naging pag uusap namin ni Bea.
"Awww! yun lang... wala ka talagang laban don, malakas kapit non eh.. hahaha ayos ha! may gusto pala kay Jema yon haha!" sabi nya nang matapos kong magkwento sa kanya, "Pero ang duwag mo pala? Kung mahal mo, ilaban mo..." tanong nya sakin, napangisi naman ako
"Nagsalita yung matapang... hindi ka nga makalapit kay Ced eh!" asar ko sakanya, napakamot naman sya sa ulo nya habang natatawa
Halos isang oras din kaming nagkwentuhan, maya maya hinatid na nya ako sa tindahan namin, bago ako bumaba tinawag nya ako.
"Deanna" napatingin ako sa kanya
"Bakit?" tanong ko sa kanya, kinuha nya yung paperbag ng starbucks at inabot sakin
"Bigay mo kay Peter at kay Lola, wag mo na silang hihingian ha!" sabi nya sakin, natawa ako
"Nag abala ka pa, pero salamat ha" sabi ko sa kanya, tumango naman sya
Kinuha ko yung paper bag pagkatapos bumaba na ako ng sasakyan nya, nang makaalis sya bumalik na ako sa tindahan.
Ibinigay ko kay Lola at Peter yung pinapabigay ni Tots.
Maghapon kaming nagbantay sa tindahan ni lola, pero habang nagbabantay kami nagaaral din ako.
Kinabukasan...
Maaga akong dinaanan ni Ate Aby sa bahay kaya maaga din kaming nakarating dito sa school.
"Deanna, sabay tayo pauwi mamaya ha." sabi ni Ate Aby sakin
"Sige te, salamat ha" sabi ko sakanya
"Sige, aral ng mabuti" sabi nya, tumango naman ako pagkatapos bumaba na ako sa sasakyan nya.
Tulad ng palagi kong ginagawa, hinintay ko munang makaalis sya bago ako pumunta sa room.
Nakakailang hakbang palang ako at nagulat ako ng may biglang sumigaw.
"DEANNAAA!! SA LIKOD!!" napalingon ako sa likuran ko para makita kung sinong sumigaw, kaso pag talikod ko biglang may humampas ng matigas na bagay sa ulo kaya agad akong bumagsak.
Bago ako mawalan ng malay narinig ko yung boses ni Jema.
_______
Update uli...