Part 73

1.6K 72 10
                                    

Deanna's POV

Ilang araw na yung lumipas at dumating na yung araw ng operasyon ko.

May halong kaba, lungkot at takot. Maaari kasing ito na yung huling araw na makakasama ko yung mga mahal ko sa buhay.

Naiready ko na yung lahat lahat kung sakaling hindi maging successful yung operasyon ko, gumawa na ako ng mga kasulatan tungkol sa mga maiiwan ko dito. Kung sakaling mawawala ako maililipat kay Peter lahat ng pag aari ko.

Nandito na kami sa St. Lukes, oras nalang din yung hinihintay namin, nakahiga na din ako sa strecher bed. Nandito na din yung mga kaibigan ko pati si Jema.

"Oh Peter yung mga bilin ko sayo ha, si lola wag mong papabayaan, pagbutihin mo din yung pag aaral mo" sabi ko sa kanya.

"A-Ate naman, hindi ka pa mawawala.." sabi ni Peter

"Kung sakali lang!" sabi ko, yumakap sya sakin kaya biglang nangilid yung luha ko.

"Mamimiss ka ni Ate.." sabi ko sa kanya

Lumapit din sakin si Lola at niyakap din ako.

"La, ikaw naman yung gamot mo wag mong kakalimutan, baka mamaya mapadali yung pagkikita natin nyan eh, kawawa naman si Peter.." sabi ko sa kanya

"Apo naman eh, wag kang magsalita ng ganyan" sabi nya sakin

"Kung sakali lang naman po" sabi ko

Lumapit na din sila Bea, Tots, Kamuy, Gel, Ate Jho, Ced, Ate Aby at Kyla sakin.

"Deanns, kaya mo yan ha... babalik ka, kapag hindi ka bumalik lagot ka sakin" sabi ni Bea sakin kaya natawa ako, "At wag mo akong tatawanan, seryoso ako" sabi nya sakin

"Deanns, wag ka munang mauuna ha?" sabi ni Tots

"Kaya nga, alam naming kaya mo yan... nandito lang kami at maghihintay" sabi ni Kamuy

"Deanna, fight lang!" sabi ni Gel

"Deanns, kapag nabuhay ka pumapayag na kami ni Beatriz na maging parents mo, kaya dapat mabuhay ka.. okay?" sabi nya, natawa naman ako

"Papayag na din akong maging beshie mo kapag nabuhay ka.." sabi naman ni Ced kaya natawa uli ako

"Deanns, sige papayag na din ako na maging Tyang mo.. may parents kana eh, tyang nalang ako" sabi naman ni Ate Aby

"Baliw..." sabi ko sa kanya habang nakangiti, "Ate kita no..." dagdag ko pa

"Deanns, kaya mo yan, dito lang kami" sabi naman ni Kyla

Lumapit sakin si Jema, yumuko sya at hinawakan nya yung kamay ko.

Napatingin ako sa wrist ko dahil may kinabit sya doon.

Napangiti ako nang makita ko yung bracelet na isinauli ko sa kanya

"Lucky charm.. hangga't suot mo yan isipin mo lang na kasama mo ako..." sabi ni Jema habang nakangiti, biglang nangilid yung luha sa mga mata nya, "Hihintayin kita dito at dapat lalabas ka sa room na yan ng buhay.. okay?? L-Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita!" dagdag nya pa pagkatapos hinalikan nya ako sa labi

Bigla akong napapikit.

Nang maghiwalay yung labi namin tumingin ako sa mga mata nya.

"Thank you... mahal na mahal din kita!" sabi ko sa kanya pagkatapos niyakap ko sya ng mahigpit

"Mga Ma'am, magsisimula na po yung operation" sabi ng doctor kaya humiwalay sakin si Jema

Tiningnan ko sila at biglang nangilid yung luha sa mga mata ko.

Natatakot ako pero pinapalakas ko lang yung loob ko, hindi ko alam kung anong mangyayare sakin after nito...

"Guys, ito lang yung masasabi ko sa inyo... m-maraming maraming salamat sa lahat!! The best kayo!!" naiiyak na sabi ko, nakita kong naiiyak na din sila pero pinipigilan lang nila, "Mahal na mahal ko kayo!" dagdag ko pa

Naramdaman kong hinila na ng mga nurse yung strecher bed papasok ng operating room.

Habang papalayo kami nakatingin lang ako kay Jema, nakatingin din naman sya sakin kaya nag flying kiss ako sa kanya at nginitian ko sya.

Napapikit ako nang biglang sumarado yung pinto at hindi ko na sila nakita.

Nabalot ng kaba at takot yung katawan ko.

Napapikit ako at nagdasal.

Papa God kayo na po ang bahala sakin...

Maya maya nagsimula na yung operasyon, kung ano anong anestisya yung itinusok sakin.

Hindi ko na din alam kung ilang oras akong nakahiga dito at inooperahan.

Halos wala na akong maramdaman, namamanhid na din yung ulo ko..

Habang nakapikit ako nakikita ko yung mukha ni Jema hanggang sa unti unting naglalaho yung mukha nya.

Nang hihina na ako... hindi ko alam kung kaya ko pa.. wala na din akong pakiramdam, ang tanging naririnig ko lang ay yung sigaw ng doctor na "Clear!"

Pahina na din ng pahina yung boses nila.

Biglang nag flashback sakin yung mga pangyayare sa buhay ko, para bang nanonood ako ng movie.

Pumatak yung luha ko.

Hanggang dito nalang ba?? Ito na ba talaga yung kapalaran ko??

Pero katulad ng sinabi ko kay Jema kahapon, kung sakaling lilisanin ko yung mundong ito kuntento na ako at masaya...

May halong lungkot at sakit nga lang dahil maiiwan ko sila dito, pero kailangan tanggapin, may mga bagay talaga na hindi controlado, lalo na pagdating sa buhay... May mga pangyayare na hindi natin inaasahan..

Mukhang matutuloy na yung pagkikita namin nila daddy, mommy at nila Ate.. 

Sorry Peter, Lola, Mga kaibigan ko at Jema pero hindi ko na kaya.... wala na akong lakas...

*Ttttoooooooooooooooooooottttttttttt!!!

------------

Update uli...

🥹🥹 sorry guys....

Tatapusin ko na to ngayon, walang matutulog 🥹🥹

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon