Deanna's POV
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa bibilhin kong bagong gamot para sa lola ko.
Saan na kami kukuha ng pang gastos? Hay! Nakapag advance na ako sa work ko kahapon para lang makapag bayad ng deposit dito sa room ni lola.
Saan ba ako pwedeng umutang? Nakakahiya naman kung kay Jema... Baka kung anong isipin nya.
Napahilamos ako sa mukha dahil hindi ko na din alam yung gagawin.
Hay! Maniniwala nalang ako na God will provide... alam kong kaya namin to.
"Ate, okay ka lang ba?" tanong sakin ng kapatid ko
Pilit akong ngumiti.
"O-Oo naman.. okay lang ako" sagot ko sa kanya
"Alam kong gagaling din si lola" sabi nya sakin sabay ngiti.
Nahihiya ako may Peter, mas nilalakasan nya yung loob nya kaysa sakin.
Dapat nga ako yung nagpapalakas ng loob nya, pero heto sya ngayon at pinapalakas yung loob ko.
"Deanns" napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Tots na kakapasok lang dito sa room, meron syang dala dalang prutas at pagkaen.
"O-Oh, hindi ka pumasok?" tanong ko sa kanya
"Hahah, umabsent ako, saka wala naman tayong major subject ngayon kaya okay lang" sagot nya sakin, "May dala nga pala akong pagkaen tapos mga prutas" dagdag nya pa
"Naku! Nag abala ka pa... umabsent ka na nga tapos nag abala ka pa ng pagkaen... N-Nakakahiya na" sabi ko sa kanya, ngumiti sya at tinapik yung balikat ko
"Ano ka ba... wala yon, pumunta din ako dito para ihatid to... wait..." sabi nya, may kinuha sya sa bulsa nya, nang makuha nya iyon nakita ko yung isang sobre.
Inilagay nya iyon sa kamay ko kaya kunot noo akong napatingin sa kanya.
"T-Tots, ano to?" tanong ko sa kanya
"Hahah, pinag ambag ambagan namin nila Kyla, Ced, Kamuy, Jema, at Gel.. ayan oh may nakasulat, hahaha sinulat pa nga nila kung magkano mga ambag nila, baka daw kasi kupitan ko... mga wala talagang tiwala sakin" sabi nya
Binasa ko yung mga naka sulat.
Tots - 3,000
Ced - 3,000
Kyla - 3,000
Kamuy - 3,000
Gel - 3,000
Galanza Family - 15,000Napalunok ako dahil sa binigay ng family ni Jema.
Agad na nangilid yung luha ko.
Para bang gusto ko silang yakapin ng sabay sabay, pero dahil si Tots lang yung nandito sya nalang yung niyakap ko.
"T-Thank you!" mangiyak ngiyak na sabi ko
Tinapik nya yung likod ko.
"Wag kang iiyak, kaunting tulong lang yan para samin, pasensya na ha, yan lang yung nakayanan nam--"
"Okay lang, na appreciate ko... thank you!" sabi ko sa kanya
"Oh wag ka ng umiyak, mamaya pupunta dito sila Jema.." sabi nya sakin, "Kumaen kana, may pinadala nga pala sya ditong pagkaen para sa inyo ni Peter" dagdag nya pa
"Thank you talaga... h-hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan, l-lalo na sa family ni Jema" sabi ko
"Ano ka ba, saka mo na yan isipin" sabi nya sakin, "Kumaen na kayo, lalo na ikaw at baka ako yung mayari kay Jema kapag nalaman nyang hindi ka pa kumakaen" sabi nya pa