May bf kasi ‘tong si girl na may utang daw sa kanya na humigit kumulang 20k at ang kwento pa niya samin sinasaktan at nag cheat daw sa kaniya yung bf niya. Kung kayo ang kaibigan ni girl diba sasabihin nyo na hiwalayan niya na si boy? Edi kami sinabi namin na hiwalayan na niya kasi redflag ganito ganyan pero ang masaklap nyan inaway pa kami kasi ang sabi ni bf na nangbbrainwash daw kami. So nagkaaway pa kami ni girl ang ending kaming dalawa pa masama (isa pa naming friend) 😆
So after a month nang di pag uusap nagsorry si girl at sinabing break na sila ni boy. Pero nagulat ako kasi kahit break na sila nagkikita pa rin pala sila kasi hinahabol daw ni girl pera niya yung 20k 😆
Edi ayon kada magchchat sakin si girl about nalang lagi sa ka toxican nilang dalawa. So eto na nga recently nag chat sakin si girl nanghihingi number ng pulis ng qc, eh hindi naman ako taga qc beh 😆 kaya nag hanap ako sa google send ko sa kanya, tas tinanong ko kung bakit siya nanghihingi ng number ng pulis, ipapapulis niya raw si boy kasi nangako raw na magbabayad ng utang pero di raw pala nagbayad, then kinabukasan nun kinamusta ko siya ang sabi niya ayos na raw sila 😆 edi okay wala na ule kaming naging conversation. Tas hanggang sa nagchat nanaman si girl tinatanong niya ako kung may kilala raw ba ko sa tulfo dahil ipapatulfo niya raw si boy kasi kinuha niya yung laman daw ng gcash niya at yung 20k daw na utang di pa nabayaran pero dahil busy ako that time di na ko nakapagreply. Tas ngayon naman may celebration kasi ako ng birthday ko and ininvite ko siya and month before ko siya ininvite so alam kong settled na nakapagpaalam na siya kasi excited pa nga siya eh pero ngayong nalalapit na yung celebration kinabukasan na yun, biglang nagchat sakin na ipaalam ko raw siya kasi kakauwi niya lang daw ng south dun sa kanila and matagal na raw kasi siyang nag stay sa qc nawala raw sa isip niya. So kasalanan ko pa beh?🧐 Tas eto pa diba after niyang sabihin na ipapapulis, ipapabrangay at tulfo eme kay boy aba isasama niya raw si boy sa celebration as plus one 😆 desisyon yarn? Syempre di ako pumayag no. Gulo niya as in! i-cut off ko nalang ule to si girl kaloka. 😆
▪︎2022▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...