Trabaho pa rin

3 0 0
                                    

Reklamo ko lang mama ng partner ko.

May sira ngipin ng partner ko. Balak na din niya ipatanggal kaso biglang sumakit na talaga kahapon tas medyo namamaga na face niya as effect.

I dunno kung alam ba ng lahat yung pakiramdam ng nasiraan ng ngipin tas namamaga na yung gums - yung kalahati ng mukha mo eh makirot, mula panga hanggang ulo.

Ngayon sa mom niya siya nagwowork. Nagpoprocess siya ng mga business registrations, nagpupuntang BIR at nagbabayad sa banks ng mga clients nila etc. Siya din pala nagsusulat sa mga books bg client nila.

Ang akin lang eh, kita na ngang parang di pantay yung mukha ng anak mo eh, papalabasin mo pa at ipepressure na tapusin yung mga books today.

Ewan ko lang haa. Nung ako kasi nasa ganung kalagayan eh, di ako nagsasalita tas nakairap lang ako in general at of course naka VL ako.

Ramdam ko yung hirap pag nanay mo ang boss mo. Ang payo sa kanya, mag toothbrush na lang daw. 🤦‍♀️

Mabait naman si tita mostly. May pagkainsensitive lang talaga minsan.

▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now