TAGASALO NG LAHAT

4 0 0
                                    

TAGASALO NG LAHAT

Gusto ko lang ng advice. Pasensya na rin kasi medyo mahaba at medyo magulo to. Hehe.

Sabi nila, siguro daw ang swerte swerte ko kasi solong anak ako. Di nila alam, sobrang hirap kasi sa ‘kin nakaasa lahat. Hindi naman ako galing sa mayaman na pamilya. Mahirap lang kami. Totoo naman kahit papano yung sinasabi nila na nakukuha ko lahat ng gusto ko, tho hindi lahat, prinovide naman sa ‘kin lahat ng needs ko.

Kaso lang, utang pala yon. Hahaha! Everytime na maliit bigay ko sa kanila, nagagalit sila. Pag di ko mabigay wants nila, wala akong utang na loob. At sana, di na lang din daw nila ako pinag-aral. Okay lang naman sana kung pamilya ko lang. Kaso hindi lang nanay at tatay ko, pati pamilya ng tatay ko, yung lola at tita ko (bunsong kapatid ng tatay ko), nakaasa rin sa akin ang panggastos.

Ako pinakamatandang apo sa side ng nanay ko, bunso naman sa side ng tatay ko. At dahil nga ang dami kong sinasalong gastusin, napilitan akong kumuha pa ng isang trabaho. Kaso di pa rin sapat. Nauubos na ako katatrabaho, kakaintindi, kabibigay. Kasi pag hindi ako nagbigay, ako pa ang madamot. Kahit yung pang-budget ko na lang, kailangan hatiin ko pa minsan at tipirin kasi kailangan ko magpadala.

Walang natitira sa ‘kin sa sinasahod ko. Mostly don, napupunta sa nanay ko. Konti nalang tinitira ko sakin, pang-budget ko lang. Sabi ng boyfriend ko, wag ko raw ibigay lahat, lagi na lang daw walang natitira sa ‘kin. Kaso hindi pwede, ako kasi lumalabas na walang kwenta, walang utang na loob, at pinakamasama ang ugali pag hindi ako nagbibigay.

P.S. Hindi nga pala alam ng nanay ko na nagbibigay ako madalas sa lola ko. Pag aawayan kasi nila iyon ng tatay ko. Kaya naman kasi magtrabaho ng tita ko, pero mas pinili niyang hindi. Alam kong masama, pero umaasa lang sila sa ‘kin. Graduate siya ng college, p’wede siya mag-corporate work, pero never niya na-try.

Btw, almost 25 na ako. Licensed teacher pero di pa permanent (Hi DepEd, penge item).

So ano ba dapat ko gawin?

▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now