Reklamo ko lang pinsan ko at sarili ko hehe (DISCLAIMER: Hindi Alabama eme 'to). Eto kasi 'yung kwento:
Year 2018 'yun noong nagsabi siya sa'kin na baka pwede ba daw ikuha ko siya ng plan sa Globe. Actually, ilang beses siya sumusubok sa'kin ng ganon before 2018 pa, to the point na na-involve pamilya namin, including 'yung Tita naming mahadera sa US – kasi ayoko nga pumayag; utang kasi 'yan e. Etong tatay ko, sinabihan ako na pumayag na lang daw ako kasi kamag-anak nga naman at may trabaho naman daw so sure na magbabayad. Dami kasi nagalit sa'kin na relatives that time and lagi na rin ako kinukulit ng tatay ko every f*ck!ng day na pumayag na daw ako eme ('di naman galit na super saiyan eme; more on, iniisnab ako tas pinaparinggan e wala naman ako paki pero may times na nakakasakit sinasabi nila, tao rin ako haha)
So, eventually, pumayag ako. Ang kinuha niyang phone that time e 'yung Huawei Nova i basta 'yung tag-19k in cash that time tapos pinaka-last unit yata ni Huawei na may playstore eme. Nag-apply ako, sa kanya 'yung DP, nakuha niya 'yung phone mga 2 weeks kasi online ako nag-apply - COD pa 'yun.
Tapos bayaran na after a month. Kasi, monthly ang payment noon e. Nabalitaan ko na lang na nagpunta si Pinsan sa Manila (nasa province kami noong nangyari 'yang plan and run serye) tapos hindi ko na ma-contact doon sa mismong number niya e sa'kin tumatawag 'yung Globe. Ending, nagpalit ako ng SIM tapos kinalimutan ko na lang. Hindi ko na hinabol si Pinsan pero nagalit ako sa Papa ko at ibang kamag-anak kasi alam ko na name ko masisira pero I took it lightly lang kasi. Nagpunta ako ng Manila year 2021 to work pero hindi ko na siya hinanap.
Not until last year, noong nag-attempt ako mag-apply ng credit card. Hindi ako na-approve multiple times kahit may savings acct ako sa bank na nag-apply ako. I tried ibang bank pero denied. I tried also applying sa Smart ng phone plan last September, pero inabot na ng December after masubmit 'yung docx ko, lagi lang sinasabi sa'kin na magwait daw eme ng feedback e 'di na sila nagre-reply kahit ilang beses na ako nag-follow up ng application.
Kinausap ko Pinsan ko last year, pinuntahan ko sa kanila na bayaran niya sana 'yung plan na tinakbo niya under my name. Nagalit sa'kin, madami daw siya problema tapos ganon pa daw ibubungad ko sa kanya. Nagalit din parents niya sa'kin tapos 'yung tatay ko? Speechless. Hayaan na lang daw. E, paano na naman ako? Walang maisagot.
Nakakasama lang ng loob, tbh. Sana, naging firm na lang ako sa mga decisionavility ko dati para at least, 'di ako napahamak; 'di ako nagsisisi. Ultimo Home Credit 'di ako makakuha e. Nag-aalala lang din ako na baka if I try kumuha ng bahay/condo na hulugan or car in the future, maging issue 'yun.
AKL din, pwede ko ba kausapin 'yung Globe na bayaran ko na lang incremently 'yung plan na 'yun? And if babayaran ko, matatanggal na ba ako sa allegedly flagging na nangyayari sa'kin?
Help. 🥹
P.S 'Di ko alam ba't 'di siya makakuha ng plan sa Globe that time siguro nag-plan run din sya before. Call center work niya, same sa current job ko pero part na ako ng WFM. Noong nagka-issue na dahil naningil ako, nanahimik mga nakialam ng desisyon ko dati sa 'di ko pagpayag. I cut my ties with them. Family ko, 'di ko na masyado kinakausap except sa mga kapatid ko.
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...