Entitled Man

3 0 0
                                    

Reklamo ko lang yung guy kanina kasama pamilya na sobrang feeling priviledged as fuck kanina sa Marugame Udon - SM Mall of Asia.

I and my boyfriend had our dinner past 6 or 7pm na kaya expected namin na madami tao. As usual pag ganong oras, medyo mahaba pila. Nakaorder na kami at nakaupo, halos maubos na yung food namin then there's entitled man na feeling sakanya yung buong place, just shouted and told one of the staff/crew na "..kanina ka pa tanga tanga." We were shocked and thought na baka manager yon but even if manager, he should not have a right na sabihan yung crew na ganon. Only to find out, he is a customer and this"Customer is always right." is not applicable to him.

Gusto kasi nya makaupo na yung pamilya nya kahit di pa sila nakakaorder. Nagegets ko naman yun ano pero shuta, paano naman yung mga nakaorder na di makakaupo kasi naoccupy na nila??? May upuan sa labas, pero gusto nya dun na sa loob para di na maghintay ng matatapos kumain.

Ramdam ko yung pagod ng crew sa Marugame Udon. If nakakain na kayo dito, alam nyong mano mano lahat ng paggawa, pagmasa sa mga udon, pagrefill ng side dishes, and whatsoever. Ramdam ko yung nahiya si kuya crew pero tinatawa nalang nya :(

Nakakawalang gana kumain kapag may ganong tao, if andito yung lalaki or andito man relative/family non, ANG TRASH PO NG PAMILYA NYO. Okay lang din sainyo ganonin ng tatay nyo mga crew/staff? 🅱️🅾️🅰️🆖 ba kayo?!

Sobrang sama ng pakiramdam ko kanina, hindi ko naipagtanggol si kuya pero lahat ng mga andon nung time na yon sa Marugame halos nawalan ng gana kumain at tinitignan ng masama yung ogag na yon. Yung magkabilaang table na katabi namin, nawalan na din ng gana kumain. Hindi ko na napicturan pero kamukha ni Professor X sa x-men.

Reminding everyone na kung nakakataas na po ang estado nyo sa buhay, wag naman sana natin pagsamantalahan yung kakayahan natin manliit at magsalita ng masama sa ibang tao. If gusto nyo kumain sa mga mabilisang serve, dun nalang kayo sa mamahalin like Nono's or other authentic foods na hindi alam ng karamihan lalo na kung napakademanding nyo sa customer service. Thanks.




▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now