Pa-vent out nga, mga kapwa reklamador!
Nung isang araw, naghahanap ako ng STAY OUT na yaya para sa toddler ko dahil kailangan ko na mag onsite starting Jan30. Pero naisip ko, yung magagastos ko na basic salary ng yaya plus allowances e katumbas na rin ng pang STAY IN na yaya, so napagdesisyunan ko na STAY IN na lang ang kunin. Nagpost ako ulit sa group.
May nag inquire.
Unang tanong, "Pwede po bang stay out ako dahil malapit lang naman ako sainyo at may anak rin ako at asawa na need alagaan?"
-- Sige po, basta kaya nyo makarating sakin ng 6pm, bago ako umalis papasok ng trabaho.
(Pero sa isip isip ko, bakit ka nagapply kung may anak at asawa ka na kailangan alagaan? Benefit of the doubt, kailangan ng kita.)Pangalawang tanong, "Twing kelan po ang sahod?"
-- Every 2weeks po tayo, 15/30 po ang sahod ko sa work ko, kaya ganon din tayo.
Rumebutt, "Weekly sana kasi may pangangailangan din kami."
-- Pwede naman po. (Kasi pwede ko naman talaga hatiin ng pang weekly yung sasahurin nya.)Pangatlong tanong, "Anong oras po ulit ang start at hanggang anong oras po?"
-- 6pm po dapat nandito ka na, kasi nagaayos na ako nun papasok, sa umaga naman pag kailangan mo na po umalis, pwede mo ihatid yung bata sa lola ko, susunduin ko na lang dun. (Bahay ng lola ko e isang bahay lang pagitan sa inuupahan ko).
Rebutt, "Baka pwede sa araw ako magbantay ng anak mo? Kasi mas gusto ko tabihan yung anak ko pagtulog."Tama ba na di ko muna nireplyan at icompose ko muna sarili ko? Hahaha!
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...