Miss Unsent

3 0 0
                                    
Miss Unsent.

Pa rant lang, magbestfriend kami niyan (Parehas po kaming girl)  may asawa na at nakatira na sila Abroad. Magkaiba oras namin . single mom ako at madalas nagaasikaso ng bata at work so pag may libreng oras  tinutulog ko na lang. Madalas syang ganyan pag hindi ko agad mabasa ang messages niya unsent agad. Kesyo sasabihin niya ang tagal ko daw basahin and blah blah blah. Nagsosorry naman ako pag d ko agad mabasa kasi natutulog ako. Kaso nito lang napuno na ko kasi madalas ako ang umiintindi sa kanya. Pag nagkakaperiod sya at mainit ulo nya ako pinagbabalingan nya ng init ng ulo minsan. Magugulat na lang ako magagalit siya kahit wala naman akong ginagawa. Yung topak nya sakin talaga binabaling.kahit pag bwiset siya sa amo nya ako pa din. Pilit kong iniintindi kasi bestfriend mo nga e. Kaso nito lang napuno na ko parang kasalanan ko pa na Hindi ko agad mabasa messages niya. Nagexplain at sorry ako kaso wala padin. Tapos sya pa may ganang magalit. Sa sobrang inis ko ginawa ko yung ginagawa nya sakin so nagunsend din ako para maramdaman naman niya ginagawa niya sakin. minsan kasi wala na sa lugar at oras pagtotopak nya para bang kada magsesend sya ng message may deadline dapat pagrereply ko sa kanya or else unsend agad. One time umuwi siya dito sa pinas nagbonding kami. Masama pakiramdam niya kasi may period sya at walang tulog so pinatulog ko siya sa sala. Nasa kusina ako nagluluto kaso tinawag niya ako para lang tabihan siya so tinabihan ko sya habang nagpapahinga sya. Para magising ako dahil may niluluto ako sa kusina dahil may pasok mga bata naglalaro ako ng ML sa tabi niya pero walang sound. Tapos nararamdaman ko kinukurot niya ko with Hila ng buhok tapos nalaglag phone nya. Kinuha ko at nilagay ko sa table. Tapos matapos nung araw na yun sinabi nya sakin gusto nya kong saktan that day kasi naiinis sya sakin kasi may period daw sya at nakuha ko pa daw maglaro ng ML kaya daw binato nya phone nya. Nabwisit ako. Kasi sabi niya masama pakiramdam nya kaya hinayaan ko syang magpahinga alangan gisingin ko sya plus may inaasikaso akong anak nung madaling araw. May time pa yan pinagselosan kapatid at kaibigan ko. Yung huling message nya sakin ay nakapagdecide na ko iunfriend sya..hindi ko na kaya kasi. Tama lang ba ginawa ko?masyado na siyang hirap intindihin at sobra sobra pasensya binibigay ko pero napaka.immature ng ginagawa niya. Samantalang kami ng iba kong kaibigan hindi naman everyday naguusap kahit hindi magreply agad naintindihan namin kasi may mga work kami at busy kami sa bahay. Kaso ito wala e sobra sobra sapak. Sakit na sa dibdib e. Btw babae po kami parehas sya may Asawa na at ako may anak at boyfriend naman.

Edited to add: nung nalaman nyang inunfriend ko sya ,bnlock nya ko sa fb. Pinalitan ko na din prof pic ko sa IG na pic namin kasi dati sinabihan nya ko magpalit kami ng prof pic same kami ng pic namin. Unfollow ko din sya sa IG at nagpalit na ko mismo ng pic sa IG ko.
Sabi ng boyfriend ko sakin daig niya jowa kung makapagdemand. Nanay ko naman sabi sakin baka may gusto sakin kaya ganyan. Natawa na lang ako. Ano yun pompyang kami?hahahah

Anyway ayun nga taon din kami magbestfriend nagkakilala kami sa church kaso wala e nasstress ako sa kanya. Parang may alaga kang bata.

 Parang may alaga kang bata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

▪︎2023▪︎

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now