Balasubas

3 0 0
                                    

‼️LONG POST AHEAD‼️
Hello po. SKL tong message saken ng bf ko. Ex ko na pala kasi nagising nako sa kabobohan ko. At sobrang proud ako sa sarili ko kasi sa wakas nakalaya na ko sa kanya

Bigyan ko kayo ng background about sa masalimoot na relasyon namen.

30 nako 27 na si guy. Na tawagin nalang naten sa pangalang "Bal".

Si bal nakilala ko siya sa isang dating app. Bilang ako na walang social interaction sa labas, i mean, d ako palalabas at di mabarkada, nailalabas ko ung mga rants/thoughts ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa soc. Med. Nagiging madaldal ako and bcos of that nagkapalagayan kami ng loob. After 2 mos, naging kami. At first ok talaga siya mga mars. As in, thoughtful. D ko ramdam na may something even na LDR kami. Cebu ako, Manila siya.

Wala pako naipakilala sa parents ko pero dahil sa akala ko siya na nga, pinakilala ko siya sa nanay ko. Nung nagpunta kaming manila on one of our business trip, nag arrange ako ng plan para ipag meet ung mom ko and si Bal. Normal na usapan ng nanay at jowa, like mga tanungan kung may work na ba, tga san mga ganung questions lang binato ng nanay ko. Medyo tipid pa siya sa mga sagot niya, which my mom, being a mom, find it off. I told her to give him the benefit of the doubt and kasi nga din first time ma meet siempre mahihiya ka pa talaga.

Pagkauwi namen kinabukasan sa cebu, nalaman ko na may anak na pala siya. May nagsumbong sa nanay ko. Ginawan ng nanay ko ng paraan lahat. Nalaman namen lahat. May anak na. Mga anak. Tatlo. And to make things worse, ung pangatlo nasa tyan palang ng babae. I confronted him. Asked him calmly. Inamin niya. Pero ang sabi niya wala na sila. Nagbibigay nalang siya ng financial support sa mag iina niya. Which is odd kasi wala siya work at that time. Nag hahanap palang. Ilang bwan din siya nabakante so it only means na ilang bwan din siyang di nakakapagbigay. Ayaw na ng nanay ko sa kanya pero pinaglaban ko pa din siya. Mahal ko eh. Kaya kahit anong pilit ng mom ko na hiwalayan ko si bal. D ko ginawa.

Tinanggap ko siya naging OK kami. Naniwala ako sa kanyang wala na sila kasi nga lagi kami magkausap. Never niya akong binigyan ng pagkakataon na magduda sa kanya. Lagi ko nalang sinasabi at pinapaalala sa kanya na magsikap para may maibigay siya sa mag iina niya. I even offered him help para may maibigay siya sa mga anak niya

Fast forward, nangyare ang kinatatakutan ko. Pinatira siya ng mom nung ex niya sa bahay ng ex niya kasi nga buntis at since wala siya naibibigay daw na sustento dapat lang na pagsilbihan niya ang buntis na babae. Tinanong ko siya kung ok ba sa kanya yun at d ba awkward kasi nga WALA NA SILA so i offered him na ako magpapasweldo siya maghahanap ng kasambahay para sa mag iina niya. Para d na niya kelangan na makisama sa ex niya ksi naikwento din niya nun na may attitude daw si girl. (At the back of my mind d ako naniwala siempre kasi ganun naman talaga pag ex na, may nasasabi talaga) so ayun nga tinanggihan niya un kasi nga daw ayaw ng parents ni girl. So bilang gf lang naman ako wala ako nagawa, kundi pumayag sa ganung setup. Mahal ko eh. As long as di naman ako kabit , kasi knows naman dw ni girl na may gf na siya, and as long as nagagampanan niya role niya as a father, ok lang saken. Di sila kasal btw.

So fast forward, first week, ok naman. Todo update pa siya. ( Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya kasi nag aupdate naman siya, mahal ko eh so magtitiwala ako)

Nasa iisang kwarto sila pero di magkatabi napapagitnaan sila ng mga bata. Hindi ako paladuda never ako nang away kahit ganun sitwasyon namen until one time, tumawag siya nun after niya magpakain sa mga bata, we see to it kasi na tapos na siya sa lahat ng nga gawain niya saka kami mag uusap para wala masabi si girl at ang family ni girl. Nagulat ako kasi pinagbabato siya pinagsabihan siya ng kung ano ano. Like ang bastos daw kasi bakit sa pamamahay niya pa.

Di ko alam bakit nagkaganun nakita ko naman convo nila ni girl nun, wala na talaga sila. At ok naman nung una. Umabot nga ng isang bwan na ganung ang setup Kaya nagulat talaga ako sa reaksyon niya. 

Until nalaman ko na lately pala may nangyayare na pala sa kanila. Chinat ako ni girl. Si girl nagsabi saken lahat. At first inaway niya ko. Pero kinausap ko siya ng maayos and sinabi ung side ko. Puro paninira lang pala at walang katotohanan lahat ng sinabi ni bal about sa ex niya. Nagbreak sila kasi sobrang babaero at iresponsable daw ni bal. She even sent me evidences na nagpapatunay gano ka iresponsableng tao si bal.

Kinompronta ko siya and inamin niya kasi wala na siya kawala.   And being the gaslighter that he is, binlame niya pako kasi nga di na daw ako nagsisend ng pix ko. Bewbies lang un. At dalawang beses lang, kinukulit niya kasi ako nun para daw di siya matukso kay gurl since nasa iisang kwarto nga sila at bilang ako na bobo at may takot nga na baka may mangyare sa kanila, nagsend din. Pinagsisihan ko un.

Sobrang nasaktan ako. Pangatlong bf ko pa lang siya. Siya pinakauna ko naipakilala sa mom ko. Naging ganun pa. Nakipag break ako sa kanya. Pero tinatakot niya ko na isesend niya sa mismong nanay ko ung n*des ko.  30 nako pero sobrang strict ng family ko. D ko maimagine kahihiyan at mga pwedeng mangyare saken pag nalaman ng pamilya ko pinaggagawa ko sa buhay nagmakaawa ako sa kanya. Sabi niya as long as di ko siya iiwan di niya isesend or ikakalat n*des ko. I was soooo naive back then. Grabeng emotional trauma ginawa saken ni bal. Wala akong mapagsabihan kasi iilan lang friends ko and takot din akong majudge. Limang araw straight d ako kumain. Di din ako makatulog. Alalang alala ako.

Sobrang toxic niya may magawa lang akong di niya magustuhan puro pananakot na inaabot ko sa kanya, nawala na ung pagmamahal. Puro takot nalng naramdaman ko puro iyak. Until one day. Napagod ako. Kako walang mangyayare kung puro lang ako takot. Kinausap ko closest friend ko sinabi ko sa kanya lahat. Galit na galit siya kay bal. Tinakot namen si bal na kakasuhan namen siya, mga bagay na di ko naisip nun.

Natakot din si bal sa mga sinabi ng bff ko. At first makulit pa din siya pero naging firm din ako. Sinabi ko sa kanya na kapag d pa siya tumigil kakasuhan ko siya, malaman man ng pamilya ko wala nakong pake. Sobrang bugbog na utak ko kaiisip eh. Wala nako peace of mind kaya bahala na. Binlock ko siya sa lahat ng soc med na meron ako. Mga bagay na dati, ni isipin, di ko magawa. Akala ko di ko magagawa pero eto ako ngayon.

It been 2 mos since the last time na nagkausap kami. And i am healing perfectly fine. Nakakatrauma pero nillalagay ko sa isip ko na,  di lahat ng tao ganun ka hayop. I just need to be wiser next time. Self love and respect lang ang mga susi. Alam ko mas may malala pa na sitwasyon saken and wala akong ibang hiling kundi makawala din kayo sa mga panget na sitwasyon nio ngayon.

Ginamit niya lang talaga kahinaan ko. Alam niya kasi sa sarili niya na wala ako mapagsabihan hindi ako vocal sa family ko lalo na sa mga gantong usapin. And alam niyang iilan lang kaibigan ko di ko pa nakikita lagi. Kasi nasa malalayong lugar na. Kinontrol niya ko. Alam na alam niya kung pano. Ngayon ko lang narealize lahat na hinding hindi niya gagawin mga threats niya saken. Not because, he's a good person, but because, duwag siya.

Naging magkaibigan pala kami ni girl. Humingi siya ng tulong saken, sabi niya gusto niya na daw din kumawala kay Bal. Ilang taon na din kasi pang aabuso ni bal sa kanya. Pagod na pagod na din siya di lang siya makawala kasi mahal na mahal niya. Kaya kahit ilang beses nagkakasala si bal pinapatawad niya at tinatanggap niya pa din. Gusto niya mawala na feelings niya kay bal. Kaya nag makaawa siya saken. Kaya pinagsesend ko mga screenshots ng mga sinabi ni bal about her. Degrading not only her pero pati na din mga anak niya. Na bunga lang daw ng lib*g ang tatlong anak nila. Na si gurl lang masama si bal ang biktima. Na di ko naman talaga pinaniwalaan in the first place. Even before nung ok pa kami. WAG NA WAG MONG PANIWALAAN ANG MGA PANINIRA NG LALAKI ABOUT SA EX NIYA KASI 100% SURE AKONG PURE PANINIRA LANG UN AT WALANG KATOTOHANAN KASI WALANG TOTOONG LALAKING MANINIRA NG BABAE LALO NA NANAY NG MGA ANAK MO.

Yung mga screenshots ko naging parang way na matauhan si girl sa lahat. Tama na daw na siya lang ang bastusin wag lang mga anak niya. Awang awa ako sa kanya. Ilang bwan lang ako nagtiis kay bal, siya ilang taon na.

Naghiwalay na din sila. And masaya ako genuinely para sa babae at sa mga anak niya kasi di nila deserve isang tulad ni bal.  Financially, kayang magprovide ni girl para sa mga anak niya.  D nila kelangan si bal. Naghiheal na din ang babae. At alam ko mas kaya niya at mas matapang siya kasi NANAY siya.

▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now