Meron Po akong helper, less than 50yrs old. Ang nanay ko Po Ang nagrefer saknya. Ok n ok Po siya sa gawaing bahay, malinis, masipag magtrabaho Wala Po akong masabi sa gawaing bahay. Ang problema ko Po ay Ang kanyang attitude. Sumasagot Po siya lalo na sa aking asawa Ng pabalang. Minsan hjnahayaan nlng namin or sinasaway na dinadaan namin sa biro or beki talk para Po walang nega sa bahay. But marami Po siyang problema, sa mga anak nya at sa jowa Niya. Meron siyang anak na nagtituition at bago palang nag work.
Palagi Pong ganito Ang scenario namin, pag kailangan na kailangan nya Ng Pera dahil sa mga utang or kakailanganin Ng mga anak nya, nagbabago Po Ang mood nya sa bahay. Stress siya, lutang at Minsan mainit Ang ulo. Kaya Ang ginagawa namin, dahil ayaw naming may nega sa bahay dahil naapektuhan Ang performance nya sa bahay at Ang mga bata napapagalitan nya ung 6yrs old ko dahil makulit, kami napo Ang nagbibigay sknya Ng Pera. Para di n sya mangutang pa at ikakaltas nlng sa sahod nya.
Nito lang Po, nagsabi ung anak nya na nag aaral sa semi private school na gusto nyang lumipat Ng school at kailangan nya Ng 10k, at ung anak nya na nagwowork ay nag awol sa trabaho at kailangan din Ng Pera papunta dito sa manila. Stress nnmn sya, so ayun sa kagustuhan naming nakatulong at ayaw n mistress sya pinahiram namin Ng 10k, before Meron p syang 20k n utang bnbawas ko lng s sahod nya.
Stress parin sya Kasi daw kesyo gnto gnyan may problema s family sa province Kya need p nila Ng Pera. Nagpaalam sya na magsimba.
Pag uwi sa bahay, kinekwestyon nya ako n bakit alam daw Ng nanay ko lahat Ng problema nya. N parang gusto nyang sabihin sakin na nagsusumbong ako sa nanay ko. Which is Hindi nakatira dto nanay ko at bhez tawagan nila. So. Tinawagan ko nanay ko that time mismo at napagalaman ko na siya pla Ang mgkwento that time mismo Ng mga ganap nya sa buhay. At nagkukunwari sya sakin n bakit daw alam Ng nanay ko. Nung sinabi ko na kausapin nya nanay ko sa phone Ang sagot nya sakin ay wag n masakit n ulo ko. Tas after non tinext sya Ng nanay ko n ayusin Ang ugali etc, bakit daw Ganon chat Ng mom ko Sabi ko sila mag usap. But then, Hindi pa din natapos ksi nag attitude sya, kapag tntnong nmin di sumasagot tinatalikudan kmi.
Ang gusto ko pong itanong, Tama ba Ang desisyon ko na paalisin nalang siya? Kasi Hindi ito ung first time n nangyari ito eh. Palagi nalang b akong magpatawad magbibigay ulit tapos ganito naman ung sukli? Sasagot sagutin ka Ng pabalang, Minsan ok Minsan Hindi. Kapag nag aaway sila Ng jowa nya, kmi apektado sa bahay. Pag may problema sa pera gnun din. Ako nlng lagi nag aadjust.
Sorry Po gusto ko lang i-validate ung feelings ko Kasi Sabi Ng asawa ko pag isipan ko many times Ang long term effect. Hindi dw b pwedeng magpatawadan nlng kming dalawa. Parang kasing nastress ako sa mga personal problems nya na kami sumosolusyon. Imbis na iexert ko itong effort ko sa pag isip sa mga bata. Nadadagdag p ung isipin ko dahil sa mga problema nya. At parang ako ung maybahay, ako ung nakikisama sa ugali Ng Kasama s bahay.
Pamilya Po namin sya tinuring. As in lahat luho bigay, Hindi ko lang tanggap n after all gnto padin paulit ulit ung attitude nya.
Salamat Po sa makapansin pasensya napo din kung stress 🥲
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
AcakThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...