(kahit babae ako, dapat may pangarap ako, na dapat may sarili akong trabaho or pinagkakakitaan, dapat madiskarte ako.. para pag halimbawa na may di maganda nangyari samin ng magiging asawa ko eh di ako mahihirapan na umalis. Yung may choice ako na umalis kapag naabuso na ako at di magtitiis kasi di ko kaya sarili ko at mga anak ko.) katulad po ng sitwasyon namin ngyon , dahil naka asa lang ako sakanya, di ko alam kung san ako mag sisimula. lalo walang magbabantay sa anak nmin na 3yrold. di ko rin alam paano sasabihin sa magulang ko.. ito rin isang dahilan kung bat nagpapanggap akong ayos kami/ako ng ka live in ko sa magulang ko..
Yung may () galing po sa isang comment, ito po ung ibig/gusto konvg sabihin sana,.. pasensya bakit pag sinusulat ko na o di kaya nasasabi ko sa pamamagitan ng pagsasalita 🔊, ndi ko man lang maipoint out /madetailed ang gusto kong sabihin.. iba parin yung nasa isip ko.😢😢pangarap ko po magwork and kung kakayanin magaaral din po, ng matulungan siya, para lang din naman samin.. kasi pag nag ooverthink ako, kasi nasa bahay lang po kmi lagi ng anak ko , housewife po ako. pumapasok sa isip ko na," ganto nalang ako palagi wala ako mararating"
siguro ndi lang ako maka antay.
pero kasi nasabi /nailabas ko na to sakanya para kahit papano matanggal sana yun sa kakaoverthink, kumbaga para mabigyan niya din ako ng lakas ng loob na maisip ko na " sana may mararating pa ko" . pero wala e, ang sinasabi niya lang, di naman kayu nagugutuman a, lahat nmn ng gusto niyo nabibigay ko, tsaka ka na magtrabaho pag nalumpo na ko... ( Sa ibang tao ayos na to sa kanila good provider po live in ko) pero paano naman po ako, buti sana kung pag kailangan ko siya sa tuwing stress ako o may depression ako e natutulungan niya ako. ndi naman e, tatawanan lang ako.. kumbaga ndi niya ko natutulungan pagdating sa mental health.. ilang beses na ko umiyak sa harap niya dahil sa ndi pagkakaintindihan "may time pa na tumatawa lang siya dto". ndi siya marunong magpaliwanag sakin, kung ndi na niya gusto marinig ako, lalabas siya o pupunta sa kuya niya at barkada niya. ndi man lang niya ko inisip.. basta diko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko dto, bsta sa tuwing nasasaktan ako, laging pumapasok sa isip ko na, magsu*cide nalng, para mawala na lahat ng sakit at di nako makaramdam pa.... good provider po siya, pero po may kulang e pagdating sakin.. ndi niya po ko natutulungan at naiintindihan sa mental health ko... tapos po pag nag aaway kami, ang mga sinasabi at tingin niyang negatibo sakin, kahit alam kong wala sa katotohanan, parang yun narin tingin ko sa sarili ko... gusto niya rin nasa bahay lang ako lagi, pag nakita na niyang kachat ko hipag ko, sasabihin niya pupunta ka na naman dun, sige punta ka... e twice a year lang kung tutuusin na nag kikita kami sa personal ng hipag ko.. wala din akong kahit sinong kaibigan.. tapos ito pa isang gusto ko, gusto ko sana lumabas kami khit minsan ng kami lang o kahit khit ksama anak nmin, sabi ko kahit diyan sa bundok lang maglakadlakad, ndi na kailangan ng pera, gusto ko lang magkasama tayu lalabas, madalas niyang sabihin tyaka na. syempre pagod din siya naiintindihan ko, pero kahit isang oras lang ok na ko dun. pero wala e...di ko alam kong mali nga ba ako dto kaya ako nagpopost ng makakuha ako ng advice. wag po kayo sa panig ko din, tignan niyo din po panig niya base sa pagkwekwento ko dto.. wala pong mali dyan kung may hindi ko man maipoint out dyan konti lang..ndi ko rin po siya matiis sa kahit anong bagay bsta may pinapgawa siya sinusunod ko lang, (di po ako nagmamalinis, nagsasabi lng ako ng totoo, base sa experience ko) kahit galit ako o galit siya o nag aaway kami. kahit sobrang nasasaktan ako, kung sinabi na niyang hihilutin ko siya o magpapahilot na, hihilutin ko kaagad, hehe nakakatawa siguro to sainyo. pero habang hinihilot ko siya pagtapos ng away at di pagkakaintindihan,umiiyak ako.
pero lahat po ng pagkukulang niya na alam ko at hndi niya yun alam sa mismong sarili niya , kaya ko pong balewalain lahat yun, balik lang kami sa dati.. wala akong maayos na desisyon sa ngayon, ang hirap, di ko rin talaga alam pano mag uumpisa. kayang kaya ko sana kung malaki na tong anak namin, pero hndi e, naalagaan pa siya. (HINDI PO AKO PERPEKTONG ASAWA, MAY PAGKAKAMALI DIN PO AKO). pero ako pakiramdam ko ako MINSAN ang naiipit sa sitwasyon, lalo pag nandyan na sa usapang trabaho.. kasi housewife lang ako e, siya lahat nagpprovide e.may idadagdag pa kodito kasi pakiramdam ko may kulang na gusto ko pang sabihin, mahina at magulo ako mag isip ngyon, nabobobo na ata ako..
pag patulog na ko o wala ako gnagawa, dyan ko naiisip lahat na gusto kong sabihin. naishare ko to para maliwanagan ako. at para may makabasa at makapag bigay advice.. kasi wala ako pinagshshare'an na iba, kundi sa mga groups lang, sa wala ako kakilala.. pakiramdam ko tuloy may nakakaintindi pa sakin. And i feel relieved.
at ndi po pala ako nagging komportable at makatulog kung may ndi pa ko naippoint out dto, pakiramdam ko kulang kung ganun. kaya ineedit ko po.▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...