Walang pakinabang

3 0 0
                                    

Pa-rant lang ng isa. Reklamo ko lang ko lang yung isang BIL ko.

Napakawalang pakinabang. Simula't sapul na mag-jowa pa lang kami ng asawa ko hanggang ngayon na may sarili na syang pamilya napakawalang pakinabang.

For context, nahospital si MIL last year due to an autoimmune disease which weakens the muscles. As in akala namin hopeless na si MIL since she became bed-ridden all of a sudden. Sobrang bagsak ng katawan. Even chewing food hirap sya and at risk for aspiration. Anyway, dun na sya inabutan ng Christmas sa hospital. Sakto naman at term break nila hubby sa school so he had time to watch over his mom sa hospital. The following week after christmas, mag start na ng term nila so need nya magprepare ng schedule ng ng mga faculty, itong si BIL nag-commit na rerelyebo sa pagbabantay sa ospital. Eh di okay na sana at makakapahinga asawa ko kahit papano. Aba ang magaling, isang araw lang nagbantay. At itong asawa ko, GY shift sa hospital, tas sa umaga WFH tapos matutulog past 12noon na. So ako inis na inis kase pano naman yung asawa kong laging puyat di ba? Kung sya naman yung magkasakit, eh di wala na mag-aalaga kay MIL. Thank God naman at before new year, nakalabas si MIL. So fast forward ngayon, may medical procedure si MIL sa PGH. Sabi ng bwisit na BIL ko sya ang sasama sa parents nila bc last week, yung asawa ko ulit ang nag-accompany kay MIL and FIL for check up sa PGH. So sabi ni BIL bawi sya this week. Guess what? Eh di wala pa din sya. Aba magaling nga naman talaga. Kapag happy happy, always present. Pero kapag serbisyo para sa magulang, hindi magawaan ng paraan. Na-overlook daw nya sa sched. Ang busy ah. Wala naman permanenteng trabaho. Nakakainis lang na salo na nga namin almost chunk ng finances to support the parents, pati ba naman labor? Hindi naman sa nagbibilang ako ano, pero di ba? Sana naman may share of effort din sila. So ngayon, may ka-meet dapat na parent ng student ang asawa ko sa school, imagine, nandun na yung magulang nung bata, pero dahil itong BIL ko na laging MIA kung kelan kelangan, ayun na-miss ng asawa ko yung meeting with the student's parents dahil he needed to accompany yung parents nya because the BIL is so UNDEPENDABLE. Puro salita, walang gawa.

Nawawalan na ako ng amor dito sa BIL ko na 'to eh. Kahit kelan wala naman natulong sa magulang, puro pakabig. Nakakainis.

End of rant.


▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now