Reklamo ko lang sarili ko, hindi ako excited sa Pasko.
Hindi ako excited sa gastos (kahit sabihin na choice ko naman yun, ang hirap maging matipid kapag ang nakapaligid sa'yo hindi alam ang value ng pera).
Hindi ako excited sa mga party (bukod sa napaplastikan ako sa mga kilala kong mga tao na nagiging masaya lang kapag may kaharap na iba, naiingayan din ako--sobra).
Hindi ako excited sa pagkain (kahit hindi naman Pasko, pwede mo pa rin kainin ang gusto mong kainin).
Hindi ako excited sa mga bisita na biglang pumupunta sa bahay (aasikasuhin mo pa sa halip na nagpapahinga ka).
Hindi ako excited sa maingay na videoke hanggang madaling araw (kailangan ko pa ba i-explain).
Valid ba yung nararamdaman ko?
Kung mas excited akong matulog na lang at magpahinga, magsimba (kung hindi tatamarin--kasi andaming tao nyan for sure), at mag-Netflix and chill na lang sa bahay kasama ang mga mahal ko sa buhay ngayong Pasko--KJ na ba ako nyan? :(
Haaaaaayssss.
▪︎2022▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...