Reklamo ko lang yung pamilya ng asawa ko. Akala ata tumatae kami ng pera.
Nung new year, dito sila sumalubong sa bahay. So dahil inexpect namin ni misis na dadating sila, nagdagdag kami ng handa. Nakamagkano din kami. Parang doble usual budget namin pang handa pag bagong taon. Pero sabi namin ni misis, sige ayos lang. Isang beses sa isang taon lang naman to.
So dumating nga sila dito samin hours bago mag mindnight. Parents and siblings in law. Naknampota. Nagsama ng mga kamag-anak nila na galing Mindoro para daw makapamasko samin ni misis. Si misis naman hindi nakatanggi. Binigyan yung mga sinama ng nanay niya. Pero siyempre, wala sa budget yun.
Nagpahaging si misis na dapat hindi na nagsama dahil additional heads pa na papakainin. Hindi naman sa pagdadamot pero wala kasi talaga sa plano e. Buti napagkasya namin yung handa. Sagot nung nanay niya, hayaan na daw dahil may pera naman kami.
Tapos eto pa. Mismong Jan 1, nag-aya yung pamilya ni misis na lumabas. Syempre alam na kung sino taya. Kung anu-ano pinabili kay misis. Yung mga kapatid nagpabili ng Jordans. (Banggitin ko lang yung mga kapatid e full grown adults in their late 20s. Diba ang galing?) Yung nanay dami din pinabili. Yung tatay lang ang medyo nahihiya.
Nung tapos na mamili, hiniritan pa si misis na kumain daw kami sa medyo mahal kasi new year naman. Medyo nainis na si misis kasi kakagaling lang kainan noong gabi so sabi niya wala na siyang pera dahil naubos sa lahat ng pinabili nila. Sagot ba naman nung nanay AKO na lang daw manlibre.
Again hindi sa pagdadamot pero nakakawalang gana ilibre thinking na kahit anong regalo or aginaldo, hindi nakatanggap ang anak ko sa kanila. Kahit binili man lang nila ng candy sa tindahan ok na sana kasi it's the thought that counts. Kaso kahit thoughts wala e.
Bago umuwi humirit pa dun sa mga sinama. Magpabili na daw kay ate (misis ko) ng mga gustong ipabili habang nasa mall kami.
Nakakainis kasi nakaasa pa din sila sa misis ko hanggang ngayon. Hindi mo naman sasabihing hirap sa buhay dahil may pinagkakakitaan din naman sila. Yung mga kapatid, may mga trabaho naman. Pero parang hindi nila naiisip na may pamilya na din kami at may mga sariling gastusin.
Si misis naman kasi pinamihasa. So medyo reklamo ko na din siya haha. Pero asar na din siya. Naawa nga ako kasi umiyak din siya sakin after magvent sa ginagawa sa kanya ng pamilya niya. Everytime may gastos sila, message agad kay misis para manghingi. Tapos pag kailangan namin iwan ang anak namin sa kanila pag no choice at walang magbabantay, hindi pwedeng hindi hihingi ng extra pera kay misis. Grabe, yung ibang grandparents, makasama lang mga apo ok na. Pero sila iba. Haha.
Kaya sabi ko kay misis tiisin na niya muna. Hindi naman siguro ako lalabas na masama diba? Haha. Kasi minsan overboard na talaga e.
- end of reklamo -
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...