Mahal Yan

3 1 0
                                    

“Mahal yan”

Minsan nagpunta ako sa appliance center sa kabilang bayan. Inutusan kase ako ng alta kong nanay bumili ng mga gamit (inuulit ko, yung nanay ko tlga yung alta. Ako legit hampy with a heart. Cheret! )Di ko naman alam na may dress code pala dun para iassist ka ng maayos ng mga staff. So si atii mong taong bahay, pumasok confidently ng naka maong shorts at tshirt with matching tsinelas na pambahay (di ako VIP pero oo sa pormahang yun ako kumportable at wala naman sa punto na mukha akong taong grasa). So tingin tingin, ikot ikot, and ayun na nga, na sight ko na ang mga kailangang bilhin

Me: (pointing sa tv na 65” ) magkano po to?
Staff 1: ay mahal yan.

Di ko na pinansin..

Me: (pointing sa floor mounted aircon ata tawag dun. Basta yung nakikita sa mga paborito mong fastfood chains) eh ito po magkano?
Staff 2 : (tumawag pa ng 2 kasama) pre magkano daw to oh? Hahahaha. Mahal yan.

Lubos na na shookt ang katawang lupa ko mga seswang. di ako umimik. Nat fly na aketch at lumipat sa kabilang bayan para bumili.

2nd store : mababait at accomodating sila. Same outfit, pero different yung pag assist nila. May respeto.

Nung nagbabayad na ko ng cash dun sa mga binili ko, nag tanong si madam manager bat daw dun pa ko bumili eh meron silang store na mas malapit sa amin (tinanong kase address namin para sa delivery) . So sinabe ko ung incident, walang labis walang kulang. Naloka si madam manager, biglang may i call xa dun sa kabilang branch at pinagsabihan sila na dapt daw ayusin yung pakikipag usap sa mga customers.



▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now