BEWARE! THIS HAPPENED INSIDE SM CLARK!!
Sharing my Aunt’s very traumatic experience with Sea of Spa/ JPL membership/ Origani / Black pearl / perfectio, kiosk in front of MANGO
[Long post ahead] ‼️Here is my Aunt’s statement:
Feb 2, 2023
Pumunta ako SM clark para mag unwind dahil medyo stress ako sa life recently. Wala naman talaga akong balak mamili, gusto ko lang mag ikot-ikot. Habang kasama ko son ko (minor) naglalakad bandang pa F21 at Mango. Eto mga usual na lumalapit para magbigay ng sample, ang mga boss nila mga Foreigner.Lumapit ang isang pinoy staff, nagmakaawa at sinabi “ma’am pahid mo na ito cream sige na andito Boss ko”
Pumayag naman ako dahil alam ko din ang feeling ng isang empleyado na gusto magpa-impress sa boss. Sinabi din na free sample ito.
Pinaupo ako at sabay sabay na sila kumausap saakin, 2 pinoy na staff, isa sakanila si Cherry, at pati din yung Foreigner na boss (na nasa picture) na si Taylor Amar.
Di ka talaga nila titigilan kausapin, talagang ipapa-feel nila sayo na kailangan mo yung product nila. Sasabihan ka nila na gaganda ka pag binili mo product nila, madami sila sasabihin sayo na benefits etc. Talagang ipapafeel nya na concern sila sayo at sa wellness mo lalo na si Taylor.
Titignan ka nila ng eye to eye especially si Taylor until mapa-oo ka nalang sa mga inooffer nila. I’m not sure kung yung product ba nila na pinahid o yung way na tignan nila ako ng eye to eye at aaningin ng mga staff niya basta parang na hypnotized ako. Emotionally manipulated ako. Tuwing hina-hug ako ng foreigner may certain na amoy sila na mabango di ko sure kung yun ba yung reason. Sobrang touchy sila.
Siguro naka dagdag na rin yung gutom kami ng anak ko at emotionally down ako dahil nga stress ako recently sa work. Kaya siguro easy target kami sakanila.
Pinaupo din ang anak ko at binigyan ng free sample sa mukha at para aningin din. Kinakausap sya at nakuha pa talaga nilang ipakwento buhay namin at pati private info pati picture sa phone napakita ng anak ko, to think na lalaki sya at hindi basta basta nakikipagusap sa ibang tao. Pati ang anak ko feeling ko na manipulate na din dahil inantok daw siya talaga habang binigyan sya facial.
Imagine naglabas ako ng P6,700 para sa cream. Doon palang hindi na ako makapaniwala. Tapos nag-swipe pa sila ng P30,000 sa ATM card ko siguro nakita nila yung natira pa na pera. Nakuha pa nila ako nagoyo doon sa remaining 50,000 balance ko sa ATM, inoffer saakin yung “mahal” na machine na gamit pa daw ni Belo worth 80k daw tapos “free” na yung mga skincare galing Australia pati 150k worth na membership, basta pauulanin ka nila ng mga freebies. Sinamahan pa ako ni Cherry sa ATM machine, talagang didikit siya sayo na parang mag-bestfriend kayo, nagkwento pa sya na Christiano siya at sobrang laki daw ng maiitulong ko pag bumili ako sa shop. Papunta hanggang pabalik hindi ka titigilan sa pagsasalita nya ku-kwentuhan ka niya about sa buhay nya na kawawa sila etc.
Alam mo yung nakikita mo yung ginagawa mo pero hindi ka maka isip ng maayos, wala talaga ako sarili ko. Sino ba ang mag-wiwithdraw ng remaining na pera sa ATM at basta basta ibibigay sakanila ng walang sabi sabi? Isa lang ako normal na empleyado. Talagang mapapa-sunod ka sakanila. Again, hindi ko alam kung paano nangyare yon, kung ipapa-review namin ang cctv, talagang kusa ko binigay lahat yon.
After na nila ako pinapirma na hindi ko alam kung ano yon dahil talagang mabilis lahat ang pangyayare, hindi ka talaga nila bibigyan ng oras para mag-isip or pag-isipan lahat ng pinapagawa sayo, hindi ka man lang tatanungin kung kukunin mo ba yung mga products na ino-offer nila basta bigay lang sila ng bigay pati mga “freebies” na kasama. Hina-hug pa ako pati yung Foreigner katapos non. As in kontrolado ka nila hindi mo ma-feel na gutom ka, nai-ihi ka pati yung oras. Pa-gabi na pala after namin doon.
Umalis na kami dala lahat ng products at machine at kumain na kami sa Jollibee dahil nga gutom na gutom na kami ng anak ko.
Pansin ko anak ko mukha siyang malungkot at sabi “Mommy, hindi ka ba nag-speculate? Kanina pa ako may nararamdaman”. Doon lang ako nahimasmasan ng konti dahil nakakain na at na-realize ko lahat ng nailabas ko na pera.Nginig na nginig pa din ako at unstable. Nanlalambot pa din ako pero nakuha ko pa din sumugod doon sa stall nila, sabi ko pakibalik ang pera ko! Hinypnotized nyo ako! Hindi ko kailangan yan! Sino magbabayad ng 80k para lang dito!
Agad ako pinaupo ulit ng isang staff si Vangie at binigyan ng tubig, tapos dumating ulit si Taylor, samantalang sabi nila bago kami umalis, naghihintay na daw yung driver sa may Starbucks papunta sila sa Subic. Sinabi ni Vangie sakanya na gusto ko nga ibalik yung product, nagulat si Taylor at nagsabi-sabi pero umalis din kase may meeting daw sya.
May kausap sa phone si Cherry at pinapapunta ako sa Marquee, kausapin ko daw yung HR nila. Sabi ko bakit ako pupunta doon, dito ko binigay yung pera, dito niyo dapat ibalik!
Sabi ni Cherry na “ma’am, company pa rin kami kung talagang gusto mo ibalik at i-refund punta ka sa HR namin eto kausapin nyo po sa phone”Kapampangan kami nag-usap ng HR at sabi “sige po ma’am, wala po problema kung ibabalik nyo ang product, refund natin”
Pumayag na ako pero dapat kasama si Cherry papunta. Ayun naniwala nanaman ako kasi inassure ako na ire-refund nila.Nung nasa KLP Marquee na kami nakausap ko yung HR foreigner sila, ang sabi bakit daw napaka mura pa daw ng binigay saakin, bakit ang baba ng pricing. Sabi pa ng HR worth 1.2M nga daw lahat ng binigay and membership. Nagalit pa sya kay Cherry at sabi “You’re all fired!” At madami pa sya pinagsasabi-sabi. Pati si Cherry umiiyak sya. Talagang parang scripted at para ma-awa ka sakanila.
Sabi ng HR saakin, nagpirma kana ng warranty, nabuksan na ang product hindi na pwede irefund ng buo.
Dahil gusto ko na matapos to dahil may duty pa ako at talagang unstable ako, uwing uwi na talaga ako, pumayag ako na ibalik na lang yung 40k at mag-pirma ulit ng waiver na hindi na ako mag makakapag complain pa. Parang scripted lahat, alam na nila gagawin nila talaga pati staff, hanggang sa pag handle ng complaints.
I saw a thread from reddit 3 years ago pa regarding sa sales tactic nila and meron din recently lang, for me alarming na to to think na until now ginagawa pa nila. Imagine mga tao nabiktima na lalo na mga katulad ko employee lamang at talagang pinag-iipunan ang pera.
Shinare ko po ito for awareness. WAG po tayo basta basta makikipag-usap and eye contact, as much as possible iwasan po natin sila lalo na kung wala naman tayo balak bumili.
Wala na ako mahahabol pa sa ibang nakuhang pera, hindi din binawi yung mga products. To think na hinayaan ako i-refund ng halos 50% sa sinasabi nilag “1.2M worth” na product and services tapos hindi pa binawi ang product saakin. Sobra na trauma din ang anak ko, hindi kami talaga nakatulog sa nangyari.
They have branches in Pampanga, Manila and Cebu.
Attention na rin sa SM City Clark at sa iba pang Mall na nandoon sila, na marami cases na ganito ang JPL membership/Sea of Spa. I don’t see any posts or FB page kaya super sketchy. Nakakatakot po kung tutuusin lalo sa loob ng mall nila ginagawa.
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
De TodoThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...