Live in partner

3 0 0
                                    

Reklamo ko lang yung LIP ko, parang gusto ko na kasing bumitaw sa relasyon namin. Sobrang dami na naming pinagdaanan na problema at sa kanya palage nagsisimula. May 2 pala akong anak na nasa right age na. Kaya lang yung lalake ko walang work. Pinapagaral namin ayaw naman. Si girl naman na anak ko wala rin work pero may work naman asawa nya sa amin sila nakatira ngayon. Sya naman may pinagaaral na anak sa college pero hnd samin nakatira. Una pa lang ng relasyon namin sinabi ko na sa kanya na mahalaga sakin mga anak ko. Kung papipiliin ako palageng mga anak ko ang pipiliin ko. Lalo na syempre kung pasaway ang partner ko. 2021 masaya ang taon namin malaking pera ang dumaan samin pero wala kaming naipon. Kanya kanya pala kami ng pera pero pag naubos na pera nya nangungutang sya sakin na wala ng bayaran. Okay lang naman sakin kasi mahal ko sya at iniintindi ko sya. Pero nung 2022 sobrang bagsak kami may dumarating na pera pero nauubos agad ng walang napupuntahan. Yung mga negosyo namin hnd kumikita. Pinababayaan ko kasi sya magmanage. Hnd ko alam kung hnd pa talaga patok magbusiness last year o talagang malas lang sya sa negosyo. Ngayon siguro sa dami ng problema napapansin nya na mga anak ko. Although aminado naman ako na pasaway mga anak ko kahit malalaki na lalo yung lalake kasi wala na nga work ayaw magaral palage pa nagiinom sa gabi. Ang ayaw ko lang yung palage nya ako pinagbibintangan na hnd ko pinagsasabihan mga anak ko lalo na yung lalake. Kaya kahapon parang naisip ko na makipag hiwalay na lang sa kanya. Kasi ayoko ng ganitong buhay na palage kaming magtatalo dahil sa mga anak ko. Napaplastikan pa ako sa kanya na palage nyang sinasabi na tinuturing nyang mga anak ang mga anak ko pero hnd ko nararamadaman un. Parang kaplastikan lang mga sinasabi nya. Tama ba ako o praning lang ako.



▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now