Jowa ng mama ko

12 0 0
                                    

TW: SUICIDE & VIOLENCE

Reklamo ko lang tanginang buhay to, parang wala akong say sarili kong pamamahay.

Panganay na anak ako, nakatira ako kasama dalawang anak ko, BF ko, kapatid, at nanay ko. Bale anim kami, kaming dalawa ni BF nagbabayad ng bills sa bahay tubig, kuryente, at rent ng bahay.

Nanay ko may karelasyon ba lalaki na ayaw ko. Madaming rason kung bakit ayaw ko sa kanya

• Sinasaktan niya si mama, ilang beses na di ko na mabilang nagbubuntis palang ako sa panganay ko na 7 years old ganyan na. Minsan noong buntis ako binato at tinutukan ko siya ng itak sa pananakit niya sa nanay ko. Pinakulong na din ni mama pero tangina siya pa nag piyansa para makalabas. Kinanginang yan.

• Magnanakaw, ninanakawan niya si mama ng pera sabay isisi samin. Never nawalan ng pera si mama kapag kami lang nasa bahay. Sinisisi sa kapatid ko, na 17 years old eh miski nga paghingi ng pabango nagsasabi pa yon hindi siya nangingielam ever ng pera. Kahit mag kaputulan na ng oten di talaga aamin yung gagong karelasyon ni mama, kahit mahanap pa ni mama yung pera sa kanya.

• Sinungaling at mapagawa ng kwento andaming beses na nahuli ko siya nagsisinungaling kay mama, nahuli din siya ni mama. Pero tangina dali mauto ng nanay ko.

• mahilig gumamit ng gamit na di sa kanya, name it tsinelas, sapatos, di marunong magpaalam!!!! Pati gamit ng bf ko pinakekeelaman!!! Tapos kapag nawala hindi niya na alam! Bago kong laba na nike na tsinelas walang hiya sinuot!!!! Nawala ng 1 buwan pagbalik sira na!!!

• Ang hilig niya mag bitbit ng kaibigan o kamaganak at dadalhin sa bahay like bahay niya yon tangina talaga sa higaan pa ni mama pinatutulog so si mama sa sahig nag papahinga.

•Babaero!!! Ilang beses na di ko na mabilang ung pambabae neto may mga chat pa sa babae na "Mahal na mahal kita di kita iiwan" may nga nagsabi na nakikita na chume check in ng pokpok sa motel.

• Walang ambag sa bahay kapag siningil ko kahit 150 lang para sa bills aba walanghiya siya pa galit mukha daw akong pera HE IS LIVING RENT FREE FOR 7 YEARS FREE LOADER AMPOTANGINA GINAGAMIT PA SUPPLIES NAMIN PARA SA SARILI NIYA GROCERIES SABON !!! NAKAKAIRITA!

• Walang trabaho!!! Kapag pinag trabaho ng nanay ko siya pa galit kapag rumaraket at humihingi si mama ng kita pinag tataguan si mama ng pera!!!! Gago talaga, pera niya lang ung pera niya. Kapag nangailangan mga kamag anak niya nanay ko sumasagot!!!!

Last na hiwalayan nila dahil sa babae ( madaming beses na sila nag hiwalay di ko na mabilang sa daliri ko) sinabihan ko si mama na ayoko na siya makita sa bahay ever nakiusap ako ulit. Sabi niya hindi na, pero tumagal lang ng 1week at pumupunta at natutulog na siya ulit sa bahay kapag nasa opisina ako. Napatunayan ko lang yan ngayon nag kakape ako at bigla siya pumasok walang katok katok na as if bahay niya to at dito siya nakatira. Dirediretso sa kwarto. Akala ata may pasok ako.

Naiiyak ako gusto ko na lumuhod kay mama at makiusap na wag na papuntahin yung taong to dito, di naman niya magawa na hiwalayan kesyo nangungulit daw. Naiiyak na lang din ako para sa nanay ko na mukhang nasa trauma bond na. Putangina buhay to, gusto ko pagsalitaan na "Bat dito ka matutulog bahay mo ba to?" Pero di ko magawa kasi alam ko maiinis nanay ko saken dahil "gumagawa ako ng gulo"

Mga pare, pagod na pagod na ko makisama sa sarili kong pamamahay. Pagod na pagod na kong umintindi. Gusto ko lumuhod na kay mama o baka mag akmang magpapakamatay para hilingin na ayoko na sa karelasyon niya.
( may trauma si mama sa suicide dahil sa kapatid kong nag pakamatay at age 14) gusto ko na sumunod.

Eto talaga source ng stress ko, masaya na sana buhay ko kung hindi dahil dito. Mahal ko si mama kaya ayoko sa lalaki na ginagago at ginagamit siya.

Tangina mo Badoy,  kung legal pumatay nagawa ko na siguro sayo.


▪︎2022▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now