May reklamo at tanong lang ako sa katrabaho kong pinakielaman yung personal fb ko.
Ganto kasi yun.
Naiwan kong nakabukas sa office yung company laptop at nagkataong nakalimutan ko ilog out yung fb account ko. One time, umalis ksi ako agad sa office at nakalimutan ko i log out account ko, I usually log out and always use incognito para di nasasave ang password sa browser. Then this office mate, nagkaron ng prob sa device nya at nagkataong wala nang IT that time. Kinailangan nya magprint dahil may urgent sya so I offered na she can use my laptop to print her needed files.
Tapos itong si pakielamerang office mate, pagopen nya laptop ko nakita nyang nakaonline yung fb ko sguro dun, nagbasa ng convo ko with another office mate. Eh sa convo namin, may mga part na pinaguusapan namin siya, minor rants. Pero yung rants na yun weeks ago pa napagusapan yun.
Ngayon, nagpm ang office mate ko na pakielamera. Na bakit daw nang bbackstab ganyan. She was saying the exact words na snbe ko sa rant ko about her. Kaya dun ako nagtaka pano nya nalaman yun eh may issue din sya sa office mate kong kausap ko sa rant so imposiblemg nagsumbong yun. Hindi ako impokrita para itanggi yung mga nabasa nya. Inako ko lahat ng kasalanan ko sa pangbbackstab ko sknya at humingi ng pasensya. Ngayon, pinapaamin ko siya kung pinakielaman nya personal fb ko. Di makaamin ng derecho at snbeng aksidente ang nangyari. Haha aksidenteng nagbackread ang fb ng ilang araw nang nakalipas? Ayaw na ayaw ko ksing pinapakielaman personal accounts ko haha jowa ko nga di pinapakielaman e. Gusto ko kse may privacy. Kung may respeto katrabaho kong yun, kht bigyan ko permission to use my laptop at nakita nyang nakaopen socmed ko dun, hindi nya pag iinteresan na maghagilap sa mga msgs ko.
Mga kareklamo, tanong ko lang kung pasok pa rin ba sa invasion of privacy yun? Gusto ko kse iraise yung issue na yun sa hr or boss ko.
Makikihigi na rin sana ng advice hehe alam kong may mali ako pero alam kong mali din ginawa nya.
Salamat! :)
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...