Reklamo ko lang yung tatay ng baby ko. Ayaw pa din umalis kahit pinapalayas ko na.
Sagad na sagad na yung pasensiya ko. Hindi talaga pwedeng love lang ang nasa relasyon. Mali din na hinayaan ko maging ganito yung sitwasyon namin.
Bago ako mabuntis sinabihan ko na hindi stable yung axie lalo na easy money yun. Hanggang sa nabuntis ako. Never siya naregular sa work at nagkaron ng maayos na career pero sa awa ng Diyos naggrow ako sa career ko kaya lumaki sahod ko. Buong relasyon namin lagi na lang akong pinagaantay na makakabawi daw siya someday for how many years tapos wala namang ginagawa para magimprove yung skills nya. Ngayon lang nagsink in sakin na hinayaan nya lanh ako magkanda kuba sa kakawork (sinasabi ko na yun ang gusto kasi wala namang choice kung aasa ako sa kanya) at bumalik agad kahit kakapanganak ko lang samantalang siya natapos na nya lahat ng manga, anime, at nakakapaglaro pa ng games. Hahaha putangina ngayon ko lang narealize na ang kapal ng mukha nya. Buti sana kung maayos din siya magalaga ng anak namin kaso hindi. 🥲 Nung nakakuha naman kami ng mag aalaga aba akala ko pagod din araw araw kaya nagpapalipas lang daw sya ng oras muna bago maging busy sa work na kaya lang naman sya nag apply kasi binibigyan ko ng ultimatum and the cycle goes on. Never nagkusa sa kahit ano kailangan pipilitin pa. Araw araw akong naiiyak sa katangahan ko.
Pano ko kaya mapapalayas to e ayaw lumayas? Dinededma lang ako pag pinapalayas ko e ayaw ko naman magiskandalo dito sa lugar namin 🥲
Nakakaiyak na nagsettle ako sa lalaking never akong dinate na gastos nya tas sasabihan pa akong mayabang na nagkapera lang. 🥹
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
De TodoThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...