Reklamo ko lang mister kong mathematician!
Napakabilis magtuos. Tuwing may gagastusin ako nakatuos agad. Lahat ng gastos ko ina-account. Lahat naman ng ginagastos ko para lang dito sa bahay at sa mga bata. Hindi nga ako maluho e. Bihira din akong bumili ng mamahalin, at pag nakabili ako super ingat ko. Pero pag siya ang gagastos lahat branded! Napakaraming sapatos na mamahalin kala mo centipede! Tsinelas nya Yeezy pa. At super ok lang sakin yun kasi siya naman nagttrabaho at hindi naman kami nagkukulang dito sa bahay. Responsable naman at
pag may hinirit naman ako, binibilhan ako pati mga bata. Kaya madalas utusan ko na lang mga bata na manghingi sa daddy kasi di sila hinihingian ng breakdown. 😂 Kaso mo, minsan talaga ang bibig sarap tapalan. Nasanay na passive lang ako kasi nga ayaw ko lang ng gulo. Nag asawa ako ng Best in Math kasi naisip ko paano mga anak ko di ako magaling sa Math. Kaso mo ako naman ang laging tinutuusan! Nakakaloka! Siyempre di naman ako makikipag hiwalay. 😅 Gusto ko lang talaga mag reklamo dito! Minsan iniinis ko na lang talaga sya. Pag hanap nang hanap ng pera, sinasabihan ko na lang ng: "What is money, paper only." 🤣15 years na kaming mag-asawa, kilala ko na ugali nya at sanay nako. pero may times talaga na gusto ko na talagang pumitik! haaay buhay...
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...