Ayaw pakainin

3 0 0
                                    

Reklamo ko lang dad ng anak ko.
Sabi ko kasi hindi daw pinakain yung anak ko sa school kasi daw he needs to learn muna o mag aral muna. Ang sagot eh okay lang daw yun.
Gusto ko sana sabihing b0b0 kaba? Char. Pero di ba valid yung feeling ko na nakakaawa yung anak ko kung ganitong klase ng parusa gagawin?
Di kasi sya lumaki na may kalaro, di rin nalabas ng bahay. He's 5yrs old. So pag nasa school sya gusto nya maglaro kasi may ibang bata. Natututo naman sya, nakakabasa naman na. Ewan ko bakit gusto nila eh maging perfect sya agad. BTW sa Christian school sya napasok.
Ang sad lang isipin na nakain classmates nya tapos sya nakatingin lang. Tapos sasabihin sakin okay lang yun 😑
Then they asked me to get a tutor sa school mismo para daw matutukan sya mag aral, ₱3500/month yun at yung adviser din ang magtututor. Kung sya lang din, parang ayoko 😅
Pero yun nga, nakakainis talaga. Gigil ako 😑

Add ko lang, Ilan beses ko na nakitang di nagagalaw baon nyang food Pero kanina lang sya nagsabi na di daw sya pinakain. Sayang effort magluto, di naman nakakain. Kaya Pag uwi nagsasabi sya na hungry sya.

▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now