Nag-quit ako sa WFH Job ko para dito, may friend ako na nag-refer sa akin bilang PA ng Donya. Yes, yaman talaga, multi-millions ganern. May mga pagawaan siya ng woodworks and kabaong aside sa mga investment.
Stay out ako, naka bedspace ako now. Jowa ko OFW na. 6AM dapat andun na ako and usually 10PM ako nakakaalis pag di niya na ako need.
I had to quit tonight. Aside sa masama ugali niya kaya walang tumatagal na staff sa mansion e pati pala sa akin makakatikim.
Patapos na kasi probationary period ko, tinatanong ako kanina kung go ako, sabi ko sige, since kuha ko naman na ugali niya. Ganern.
After ng dinner appointment nakauwi na kami, so ako nasa garage muna para mag vape, ganun pala tinatimingan ako ng bayaw at mga kapatid ni Donya. Kausapin ako. Ganun pala e pag Wala ako sa radar niya Panay reklamo sakin. Kesyo madami daw ako kumain, nahuhuli ako nakasimangot, lagi daw siya pagod and so on. Nakikita naman nila na sa akin, Wala problema, na ni Minsan di ako nagreklamo kahit nadidikdik ako. Pero yung gantong talikuran, naaawa sila kasi nakita naman nila performance ko.
Single parent ako, kaya ko to kinuha e aside sa potential networks and knowledge, Malaki talaga sahod and perks.
Nakapag arrange na yung pamangkin niya ng malilipatan Kong work, better boss kasi best friend niya and pwede ako mag stay in so I can keep the 50k+ na salary.
Nag uumpisa na ako maawa sa kanya kasi di siya bet ng mga kapamilya niya tas ganyan pala. Natuwa lang sakin mga ate niya (mga senior na din) pati pamangkin at Asawa niya kasi mahaba daw pasensya ko at laging nakikipag-usap. Pati mga apo niya naging close na sa akin.
Nagpaalam ako kanina na pagkakuha ko ng sahod, alis na ako. Sinabihan ako na kaya daw ako pumapayag sa PA Job kasi kung Wala siya mamamatay sa gutom anak ko sa probinsya. Nagdilim talaga paningin ko at naduro ko. Sabi ko, "Nakakaawa ka, tumanda kang ganyan ugali. No wonder di ka gusto ng pamilya mo, ni di mo nga makasabay kumain."
Umalis ako and advised na bukas ibibigay ng driver yung sahod ko.
And yes, di niya kami pinasahod nung holidays, di Rin ako nakapag off Mula December. Wala din pabonus. Puro kami bago na staff, yung dalawa kausap ko sa text kanina aalis na din sa akinse, sinabihan ko na kausapin ang pamangkin baka marefer sa lilipatan kong work
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...