Full time mom here with a partner na nag bubusiness.
I just want to ask for an advice regarding my toddler.
and partner.1. I have a 2yo toddler mag 3 na siya this March and she’s super active, napaka kulit, typical na bata. No matter how much I tell her to not do something that may harm or hurt her hindi talaga siya nakikinig which is I think normal lang naman po sa age nila, so today she was playing with a thick thread na nahila niya sa comforter namin. Sinaway ko po siya ng maraming beses na wag niya paglaruan kasi baka masugatan siya, sinusubo niya po kasi sa bibig, anyways after countless of times na di siya nakikinig saakin pinutol ko po yung sinulid and tinapon ko na naka upset sakanya and umiyak siya ng super lakas. Narinig ng partner ko so pumunta siya sa room namin then kinarga siya and asked her what’s wrong.
Sinabi po ng toddler ko na I hit her daw. 😭
I kicked and pulled her hair daw which is never ko po ginawa, kahit kelan kahit galit po ako. 😑
Nagulat po ako sa sinabi niya then sinabi ko sa husband ko na never ko ginawa yon, and tuloy tuloy parin yung toddler ko sa pag iyak - di nakikinig yung partner ko saakin and pinagsabihan niya po ako hanggang sa nagalit na ako kasi nasaktan po ako. Sabi ko sakanya never ko magagawa yon sa anak namin, kung ayaw niya maniwala siya nalang magbantay or magpa cctv siya bilang di naman siya nakikinig-hanggang sa na brought up na yung mga sari sariling issues namin sa bahay, sa parenting, sa work load, etc. kame na ng partner ko ang nag away.2. May main issue po ako sakanya na hindi siya tumutulong sa house chores or kahit man lang maglipit ng mga kalat niya example: itapon yung mga wrapper ng pinagkainan, ilagay sa maduming damit yung pinagbihisan, mag refill ng tubig sa fridge pag naubos niya, at kung ano pa na super simple lang di magawa 😢 eversince kahit nung magka live in palang po kame and nung buntis ako until now. Parang siyang may tiga sunod at ligpit ng mga kalat niya.
Nung magka argument kame about it, sinabihan niya po ako na bakit ako hindi tumutulong sa expenses? Eh full time mom po ako, hindi ko choice and hindi mag work bilang ayaw niya kumuha kame ng yaya. 🥹
And lahat ng money ko nung nag wowork ako is nasa expenses namin, never naman ako huminde or di nag share.
Sa mga mommies or even daddies na di na nakapag work and full time sa bahay, alam niyo na super hirap ng sitwasyon bilang kailangan natin magawa lahat ng gawain sa bahay, asikaso at linis, bantay at alaga ng bata.
Masyado po akong na hurt parang diko kaya tanggapin yung mga sinabi niya.
I need advise sa kung papaano ko po pagsasabihan yung toddler ko, and papa ano ko i hahandle yung partner ko.
Thank you for your time in reading this.
Thank you admin. 💔▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...