Sabi ng asawa ko saken knina habang naglilinis kami ng bahay.. "siguro kung iba ang napangasawa mo,matagal ka nang hiwalay". Sabi ko "inaano kita jan,who hurt you?". Hahhahahhahha napaka lang. Tas di pa nakuntento,sabi pa saken "kita mo kaya ka hiniwalayan ng bf mo kasi ganyan ka" so sabi ko first of all, ako ang nakipaghiwalay kasi nambabae yung ex ko.. aba humirit pa.. "kahit ako mambababae pag ganyan ang gf ko". Napaka talaga hahahah buti na lang namamanage ko na yung anger ko 😂😂😂
Edit : ganito kasi yan. Almost every week kung magbangayan kami ng asawa ko. Aminado ako na most of the time ako yung dahilan. Complete opposite kami ng asawa ko. Friendly sya,ako suplada. Approachable sya,ako anti-social though meron din naman akong mga tropa sa work,kaso ako kasi yung tipo na hirap talagang makipagsocialize. I always have this awkward moment around anyone. Isa pang malaking factor yung nagrereklamo sya kasi hindi nga daw ako nakikisalamuha masyado sa pamilya nya,then sya naman sobrang ok sa side ko. Aminado naman ako dun,and I am trying my best na maging ok kami ng family nya.Hindi man ok,at least civil na lang. Etong asawa ko rin gusto nya lahat organized, dito sa bahay dapat maayos lahat. Di naman ako masasabing tamad, kaso may mga times talaga na minsan ayoko kumilos, at gusto ko humilata lang.. kasi nga lately ambilis kong mapagod. And ayaw nya ng ganon. Gusto nya pag me iniutos sya,gagawin mo agad. Kaya nga ang lagi kong reklamo noon eh feeling ko minomonitor nya mga kilos ko dito sa bahay. Eto pa, everytime na may pinagdidiskusyunan kami ayaw nya yung sumasagot sagot ako, when in fact nagsasabi lang naman ako ng thoughts ko. Para sa kanya kung anong sinabi nya,yun na yun. I admit na most of the time yung idea nya lagi ang tama. Ang saken lang kasi, yung pakinggan nya naman yung side ko. Hindi yung magsasalita pa lang ako ay dinidismiss na nya ako. Kaya ang tendency eh ginagawa ko yung ayaw nya para lalo syang bwisitin. Syempre competitive tayo eh,di ako papayag na ako lang ang naiinis. Anlaki din ng insecurities ko sa sarili ko, eto kasing asawa ko pogi sadya. Hindi ko to sinasabi ha dahil asawa ko sya, pero gwapo talaga neto kaya noon lagi kong iniisip ano ba nakita neto saken.
So it's been 2 weeks na since huli kaming nagbangayan. Nakakamiss rin naman kasi after ng bardagulan meron make up seggs hahahhaha 😂😂😂
▪︎2022▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
SonstigesThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...