Cheater Husband

4 0 0
                                    

kung kelan bakasyon namin ng Pamilya ko saka ko nakita extrang cp ng asawa ko. Nahulaan ko ung password. umalis asawa ko nong dec for 2 days sabi nya may irerepair lang na bahay un pero hindi macontact at bago nito mag new year . un pala makikita ko dito sa cp nya may kameet up syang babae kasama nya ng mga araw na un . ang tagal nya na palang kachat dahil sa new zealand sya nagtatrabaho nagmeet up sila ngaung bakasyon nya. Ang pinakamasakit sa lahat hindi sya samin nagbibigay ng budget dahil inintindi ko dahil may kinuha syang bahay sa brighton bulacan .pero makikita ko sa kachat nyang babae monthly 15k padala. napakasakit grabe halos ubos na luha ko pang 2 days na namin dito, hindi ako gaano makapag react dahil andito mga magulang ko side ko  . may mas sasakit pa pala dahil ang bahay na hinuhulugan nya sa baguio na pangako nya itotour kami ng mga anak nya hindi natupad pabalik na sya ngaung january .tapos makikita ko sa fb ng Babae galing sila don. napakasakit . kaya nya siguro kinuha ang bahay na un para sa babae. tapos ito nakikipag hiwalay ako ayoko na talaga dahil 2x na to nangyari last time year 2016. pero ito pag nagmamakaawa sya wag makipaghiwalay kahit para sa mga anak dahil ayaw daw nya masira kinabukasan nila pero ginawa na naman nya to. at halos bibigay na naman ako dahil naaawa ako para sa mga anak ko. sobrang close sila ng mga anak ko . at alam nyo ba ang babae nya may dalawang anak na na halos sya din na ata ang bumubuhay napakasakit .  Di ko alam anong gagawin ko . kahit wala kaya kong buhayin mga anak ko dahil marami akong source of income kahit malilit na halaga lang pinapasok pero kahit papano malinis 1k a day para sapat na mapakain ko dalawa kong anak. Hindi ko na alam gagawin ko . alam ko my mga maayos ditong kausap at professional sana may makatulong sakin magdesisyon. tumutulo na naman luho ko . babae po pala ako . 16 years na kami.


▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now