Naholdap

7 1 0
                                    

Reklamo ko lang yung holdaper kanina. Nyeta ka. Sna yung nakuha mong wallet ko na laman yung sweldo ko eh magamit mo ng tama para sa pamilya mo ngayong Pasko. Lahat lahat na yan ng pera ko ngayon. As in wala na kong kahit singkong duling dito.

Dapat pang noche buena namin yan eh. Pati pambayad ng upa sa bahay. Hindi ko ngayon alam paano ako uuwi mamaya sa amin sa Santiago Isabela. Hinihintay ako ng mga anak at asawa ko, pero di ako makakauwi. Hindi na ko nakapag save nung nakaraang sahod at pinadala ko sa misis ko nung nakaraan at pinambayad ko ng inuupahan ko dito sa Caloocan.

At nahihiya din ako na umuwi sa asawa ko lalo ngayon na wala naman ako maibibigay man lang pambayad sa bahay at pang intrega sa gastusin.

RKL na din yung pagiging tuliro ko kanina. Sguro excited ako sobra. Gustong gusto ko makita mga anak ko at 3 buwan na ako di nakakauwi sa kanila, dahil sa dire-direcho ang trabaho. Hirap talaga ng buhay lalo na pag kontraktwal lang.

Mag uuwian yung mga ksama kong nangungupahan dito sa bahay ngayong umaga sa mga pamilya nila, taragis magpa-Pasko ako mag isa. Sana maka diskarte ang asawa ko doon at kahit paano sana may handa sila.

Nagpapasalamat pa din ako na di ako napahamak, pero sa dinami dami ng araw na pwede maholdup, kung kelan magpa-Pasko pa.

Mahirap maging mahirap sa Pilipinas lalo na pag magpa-Pasko. Mas mahirap pa lalo pag napipilitan yung kapwa mo mahirap manlamang sayo dahil ang hirap ng buhay.

PS - gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. wala na ko masabihan at parang mababaliw na ko kakaisip. hirap din nung wala akong masyadong kilala dito sa Maynila at walang malapitan o mapuntahan. itong group na lang natin ang gnagawa kong libangan magbasa basa ng mga post lalo na pag uwi galing trabaho.

▪︎2022▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now