Reklamo ko lang ang nakasabay ko sa cashier ng seniors/pwd sa savemore ngayong gabi bago magclose for the night.
Ang lakas ipagyabang sa kapitbahay niya na nakakuha siya ng pwd ID sa maynila dahil may koneksyon siya. Nagyabang pa siya na isasabay niya ang kapitbahay sa cashier para maka-discount din. Nakakuha ng pwd dahil sa koneksyon hindi dahil sa pwd naman talaga. Pinagyabang pa na lagpas 4k na ang nadidiscount niya mula noong makakuha siya ng ID. Pati parking at "starbucks" niya, dinidiscountan niya. Sinabi pa niya sa kapitbahay niya, "dapat, pare, kumuha ka rin nito. ang laki ng matitipid mo."
Para dun sa nakasabay ko, kung ganiyan ang mentality mo, dun ka maggrocery sa siyudad mo, hindi yung tumatawid ka pa sa siyudad namin. Porke isang tawiran lang ang siyudad nating dalawa. Im from qc so magstick ka na lang sana sa manila kung ganiyan ang ginagawa mo.
Rkl ko na rin ang lahat ng gumagawa nito. Nakakaimbyerna kayo. Yung nanay ko, hindi makarenew ng id niya (she's partially blind) dahil hindi pa rin siya makapagpacheckup dahil wala pa rin ang doktor niya. Ni meds niya, hirap kaming makadiscount. Pakiusapan pa para discountan tapos kayong mga nakakakuha ng id dahil sa "koneksyon" ay ang lakas magyabang.
Mahiya naman kayo para sa mga tunay ng pwd. Galit kayo sa mga nauupo sa gobyerno dahil sa maruming paraan pero isa rin naman kayo sa gumagawa nito. Pumarehas naman sana kayo. Mag-give way kayo sa mga legit na pwd.
Kung matamaan ang iba diyan, sensiya na po.
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...