Old toxic culture

7 0 0
                                    

Ang hot ng issue ngayon about giving back sa magulang, kasi ganito ganyan. Old toxic culture na kinalakihan din namin. I often hear my grandma telling my uncle girlfriend when I was a little na " Ay, Hindi pa pwede mag asawa yan. Hindi ko pa napapakinabangan yan."  And my grandpa saying " Kaya nag anak ako marami Kasi sila aahon samin sa hirap." Pito ang kapatid ng nanay ko at tatlo lang ang nakapag tapos. Naalala ko bago ako mag college, I literally beg sa nanay ko na gusto ko mag aral. Pero Yung nanay ko ayaw mag risk Kasi daw mahirap Lang kami, may additional sulsol pa sa mga kapamilya na " Pag aaralin mo tapos mag asawa Lang din Yan Di rin napapakinabangan."

Pero, I was determined to finish college . Nakatatak Kasi sa isip ko na yun Lang ang ticket ko palabas. And I did through a full scholarship. Sa buong college life ko mabibilang Lang sa.daliri ang tinulong ng pamilya at nanay ko. I did a lot of things para matapos ko ang apat na taon.

Now, I have a prominent work and salary. Truth be told I never feel obliged to give back sa nanay ko lalo kahit emotional support dati eh di niya maibigay. Pero nagbibigay ako, not out of love but minsan para manahimik na mga marites. Ewan ko, I tried hard to forgive and let go Pero wala. I feel like an empty vessel. 

So ayon, if you think hindi nag bibigay ang anak sa magulang kasi " ginusto lang na wag magbigay" No, it's more than that and minsan severe childhood trauma at wounds ang kailangang e set aside ng isang anak para Lang matawag siya na mabuting anak at may utang na loob na anak. 🙃

Maligayang pasko at happy new year sa lahat!!



▪︎2022▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now