Di gusto ng pamilya

3 0 0
                                    

Kakapanganak ko palang stress ako sa pamilya ng asawa ko simula kinasal kami never kami kinamusta o dinalaw man lang ng anak ko. Mag 6 months na baby namin. Nakita ko may post biyenan ko saka manugang niyang hilaw and relatives ng asawa ko pero kami di man lang kami mainvite o makamusta. Kasal kami ng asawa ko mag 2 years na. Wala naman ako nagawa sa kanilang mali o ano man nakisama naman ako kapag nandun sa kanila. Nakabukod kami. pero lately nalaman ko na ayaw pala ng biyenan ko magpakasal anak niya sa akin kasi mawawala na sustento nila siguro. Kaya simula nung nalaman ko iyon nasaktan talaga ako akala ko totoo kasi namanhikan pala sila dito sa amin. Wala kasi ako masabihan sa mga kaibigan at pamilya ko kasi iisipin na ganun pala pamilya ng asawa ko at lagi kami nag aaway ng asawa ko tungkol diyan sa pamilya niya hindi man lang niya mapagsabihan pamilya niya. Bruha nga tawag sa akin ng biyenan ko nabasa ko sa chat marami ako nabasa screenshots lahat kahit mga pinsan nila pinag chichismisan ako. Simula nun nalaman ko di na ako nagbigay ng pera sa kanila. Masama daw ugali ko. Hirap ung ganitont sitwasyon kasi buntis palang ako nalaman ko na tapos ngayon postpartum ako. Wala ako peace of mind. Ayaw ko na rin sila makisama at makita kasi pakiramdam ko wala akong peace. Help!


▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now