Ako na magrereklamo para sa kaibigan ko. Mag anon ako kase gusto ko lang.
Background: Si friend ay second family na ng tatay nya and may isa syang kapatid na 16yo. May mga half siblings din sila from the first family na 2. Legal na asawa yung nasa first family and 23 years nang nagsasama si second wife and yung father niya. Take note na hindi si second wife ang reason bakit inabandona ang first family. Never na nagusap ulit si first family and yung tatay until last 2021 lang nung nagkasakit na ito.
Recently, namatay yung tatay nila. Si legal wife kinuha ang remains ng tatay at duon binurol sa kanila. Ayaw papasukin ni legal wife sila second family kung saan nakaburol and ayaw din sila bigyan ng chance na maiburol ni second family sa side nila. Laging nageeskandalo kapag nag-attempt na bumisita si second family nung burol. Until macremate hindi nakita ng kaibigan ko yung tatay nila, pati yung ashes andun kay legal wife.
Di ko alam kung ano mapapala ni legal wife for doing it considering na more than 23 years na silang hiwalay and inabandona pa silang pamilya.
Naawa lang ako sa friend ko kase close sila ng tatay niya and dahil daw hindi sila yung legal na family e parang nawalan na sila ng karapatan sa tatay nila. Affected siya masyado dahil dito and laging tinatanong kung ano daw bang naging kasalanan nilang mga anak bakit ganun ang treatment sa kanila ng first family.
Take note na hindi mayaman yung tatay nila, kung may maipapamana man e utang.
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...