CONFESSIONS OF A WORKING MOM

9 0 0
                                    

CONFESSIONS OF A WORKING MOM

Confess ko lang, kasi gusto ko na bitawan itong hinanakit ko at mag move forward sa 2023.
SOBRANG DAMI KONG PINAGTIISAN BUONG 2022. I’m a working mom, breadwinner samin and I still support my parents both of them wala ng work (tho hati kami ng kuya ko). Simula pagbubuntis ko, kahit buntis ako at maselan, nagtatrabaho padin ako kasi wala kami kakainin pareparehas.

And yes, pati panganganak ko ako sumagot from the baby’s clothes hanggang sa hospital bills, thats around 60-70k sabe nung hubby ko babayaran daw nya ung bill pero until now wala ako natatanggap. After a month of giving birth, I have to work na agad. Yung asawa ko may work naman pero di padin sapat umaabot lang sya ng 10k a month. Kulang pa pambili ng gatas, pambayad ng motor at kung ano.

So I dont have a choice talaga kundi magtrabaho. I’m working for almost 24/7, I only have 4-6 hours of sleep a day kasi nag dodouble shift ako and at the same time pag wala ung asawa ko ako pa nag aalaga sa anak ko. Di ako kumuha ng yaya kasi imbis na ipambayad sa yaya eh dinadagdag ko nalang sa bigay ko sa bahay, akala ko kasi aalagaan ng parents ko baby ko.

Pero hindi, busy daw sila sa gawaing bahay, minsan lang mga 4-thrice a week lang nila inaalagaan mga 3 hours tas ibabalik din agad sakin, kung ano ano pa naririnig ko sakanila pag nag papa alaga ako kaya minsan habang nag wowork ako nag aalaga pa. Sobrang hirap.

Tapos etong asawa ko pa sobrang hilig tumabi (alam nyo na un) minsan parang walang awa alam na 4-5 hours nalamg pahinga ko gusto pa mag ganun kami nagagalit parang gusto makipag hiwalay pag wala , ako na nga sumasagot sa lahat ng gastos namin sa bahay, isang gatas na nga lang sagot nya eh. Iniintindi ko naman sya sa part nya lagi kahit ako umaako ng responsibilidad nya as a father. Sana intindihin nya din ako at maisip lahat ng sacrifices ko. Tulog at pahinga na nga lang hinihiling ko sakanila pero wala padin ako na nga kumakayod para sa lahat. Hindi ko din malabasan ng sama ng loob yung asawa ko kasi, wala naman sya gngwa para gumaan loob ko, mag seself pity lang sya at aawayin ako nag susumbat nanaman daw ako.

Hello? Sumbat ba yung naglalabas ka lang ng hinanakit?

Sobrang sakit ng 2022 sakin, binigay ko lahat, ultimo 100 pesos tinitipid ko. Lahat lahat binigay ko sa family ko, tapos ang ending pag nagalit ako, andami ko maririnig from my parents and husband na muka akong pera at madamot ako kaya ako nagagalit. Manhid manhidan nalang talaga ko dito sa bahay kahit na ako yung tama. Pag parents mo talaga kahit sila mali, ikaw dapat yung mali. Im working hard daw sabe nung dad at husband ko kasi muka akong pera, di manlang nila naisip na wala naman ako sinasandalan kundi sarili ko lang. Pano kung may nangyaring emergency etc sino aasahan ko, diba sarili ko lang din naman? Kagaya nung nanganak ako, kung wala akong savings sino magbabayad sa hospital bills? Nagtry na din ako bumukod pero nagkagulo gulo lang lalo.

Sobrang pagod na pagod nako, nagbago na itsura ko after manganak, kakapuyat at stress. People are asking anong nangyari sakin, nagbago itsura ko, I gained weight, diko lang masabi na i sacrificed my whole self for my family and my son. From pregnancy until now, sinakripisyo ko lahat ng sakin. Pagod na pagod nako pero wala natitira sakin..

I just confessed this because I want to accept and move forward na,, pinag pray ko nalang ung situation at alam ng Diyos kung anong totoong nasa loob at intensyon ko. I’m looking nalang sa better things sa life ko like yunh anak ko, nakakapag wfh ako, habang naaalagaan ung anak ko, napupunan ko lahat ng pangangailangan namin lalo na needs ng anak ko etc.

Sana mabitawan ko na lahat ng sakit at sama ng loob from 2022.

Love and Light🤍


▪︎2022▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now