Autism

13 1 0
                                    

Dahil wala ngang budget ang deped for sped, obligado na talaga kami ipasok sa private si bunso para makahabol sya kahit papano. Malapit na magtapos ang school year so maghahagilap nanaman ako ng 50k pagdating ng enrolment.

Meron bang NGO na nagbibigay ng financial assistance sa ganyan? SpEd on top of speech and occupational therapy for 2 kids, nakakadrain talaga. Like simot na savings namin this year, nagsara pa ko ng daily operations ng business. Autism may not kill the patient but the carers, ibang usapan.

Lahat na ng expense na pwedeng icut, nacut na namin. Tag dalawa na kami ng trabaho ng asawa ko. Kaya di talaga ubra reasoning ng apolo10. Hindi kami "dumidiskarte" (dahil sa totoo lang diskarte ng karamihan panlalamang sa iba).

Pag may nagkasaket samin, shuta wala. Hanggang ubo at sipon lang afford naming sakit. As if naman pwedeng piliin?

Pucha buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganto. Narealize ko sobrang privelaged ng buhay na binigay saken ng mga magulang ko.

Halos magkasira na kaming mag-asawa kakaisip pano magpataas pa ng income. Kulang na 24hrs sa isang araw namin. Okay kami dati eh. May breathing space pa for occasional dining out, toys, movie dates. Ngayon kahit grocery di kami makapunta. Diko naimagine kahit kelan na bibitawannkonyang mga salita na yan pero yan kami ngayon. Para kaming nilalamon ng kumunoy.

Ps. Nakakahiya man tong post na to, wala naman anon posting option sakin. Para na kasi akong sasabog kaya kailangan ko na siya inunload. Hanggang ngayon kasi wala pa yung sahod ni hubby sa bagong developer nyang pinasukan, na dapat nung 15 pa. Si Judith ayaw nako tantanan.


▪︎2022▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now