Pa rant lang po konti, sa mga consumers sa supermarket. Marami pa rin po talaga sa atin ang irresponsible sa ginagamit nating grocery cart. Halos every grocery ko, napapansin ko sa counter after nila gamitin ang cart iiwan lang sa kasunod nila sa pila, like iiwan sayo na parang obligayson mo ayusin yung bagay na ginamit nila. Kahit itabi man lang nila sa gilid para makapasok sa counter yung susunod.
Kailangan pa minsan sabihan kung tapos na ba sila sa cart nila, isasagot lang nila sayo oo, ending ikaw pa magaayos ng ginamit nila. Wala silang pake kahit nakaharang sa counter or daanan. Hindi naman palagi nakaabang ang mga staff sa counter para ayusin ang mga grocery carts, sana kahit man lang igilid natin. Sana magjng responsible consumer tayo. Wag lagi iasa sa mga staff yung mga bagay na dapat automatic na natin gawin.
Maging resposible tayo sa pamimili at pagbalik sa mga bagay na ginamit natin. Di natin kailangan gayahin ang ibang bansa na may shopping cart coin lock. Be responsible consumer lang po and be mindful. Basic courtesy lang po.
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...