Selfish Husband

3 1 0
                                    

Pa-share po ako ng insights nyo, advice or opinion sa ganitong sitwasyon po/pakiramdam.

Going 12 years na po kami ng asawa ko. Tapos more than 2 years palang po kaming nakabukod. May kids na po.

Nung first 2 years magsimula po yung relasyon namin, alam ko naman at nakita ko na yung good side at bad side ng asawa ko. He came from a humble home at simple family. At young age, sya na lang ang pinaka inaasahan ng magulang na tumulong sakanila noon. At para saakin po, isa ito sa mga strongest factor na bumuo sa pagkatao nya, habits, at character na meron sya ngayon.

Pero hindi na rin po ako magpapaka-plastik na kadalasan, yung mga bagay na ayaw ko pong ginagawa nya noon ay hindi parin nagbabago hanggang ngayon.

2-3 years on our relationship bago ko po talagang nasasabihan na sya ng masama, nung mga unang taon po kasi, lagi ko naman syang kinakausap ng mabuti at mahinahon. Nakikita ko naman po nya tina-try nya, or so he says.

Kaya lang, after nung pang limang taon, nagsawa na po ako, honestly.

Hindi naman sa normal na conversation, pero kapag naglalaro sya ng games sa computer, medyo tumataas yung boses nya at nagmumura talaga sya. Kahit nasa family gatherings yan, okasyon, pag naglalaro sya, games, basketball, sports kapag naiirita, natatalo, kapag inaangasan sya ng kalaro nya online, pc or cellphone or personal. Dumating pa po duon sa point na umalis ako, umuwi ako uli sa probinsya namin kasi pinagaawayan namin yan. Talagang umaasa nalang po ako na sana mabawasan man lang yung anger issues nya po.

Kahit nagkaroon na po kami ng anak,ginagawa pa rin po nya at sobrang depression at anxiety, at nakakairita na po yung binibigay sakin pag ganyan sya.

Tapos po sa paghandle ng pera, dati, nung hirap talaga, magkano lang pera nahahawakan namin, he knows it's value. Tapos may year na nabless kami abundantly, nakapag work sya na may good pay. Nakita ko na talagang pinagbigyan nya yung sarili nya sa mga bagay na hindi na nakakamit o nabibili noon. And I was happy to see that. And so I thought, baka pwede nakaming bumukod. Pinag-isipan ko din naman mabuti tapos biglang nawalan sya ng trabaho, nagclose yung company nila kaya ako na pumalit at nagwork.

Nung nabuntis ako sa bunso namin, kailangan kong tumigil sa trabaho, that means less income. Gusto ko na talagang bumukod nun. Pero nagipit na talaga dahil hindi rin sya kaagad nakahanap ng trabaho. Kaya talagang saakin, sana mag-iba na yung way ng handling sa salary.

Years passed, napansin ko na kapag nagkakapera kami, mas interesado syang bumili ng mamahaling mga gamit para sa sarili nya.

Hanggang nakabukod nakami, lagi nyang sinasabi na "gusto ko lang maranasan yung mga bagay na wala ako dati atsaka pera ko naman yan kinita ko naman yan sa pagtatarabaho ko". At ayokong i invalidate po iyon.

Pero hindi ko mainitindihan kung bakit parang mas lamang la na makabili sya ng para sakanya, kesa sa mga iba pang kailangan talaga sa bahay.

Pati po yung minsan pagsisinungaling nya sa mga kaibigan nya, about sa trabaho, sinasabi nya na may position sya at madami silang trabaho, pero regular na employee lang po sya.

Pero kasalanan ko, kasi tinotolerate ko. Kasalanan ko po yata na umaasa akong mababago nya yung mindset nya sa pera, mga habits nya makakaapekto sakin at sa  behavior ng mga anak namin. Ewan ko kung anong klaseng asawa ako. Napakahina ko naman po yata para hindi ko sya mahawaan ng konting pasensya at pagtingin sa pamumuhay namin. Pakiramdam ko wala po akong magandang naidudulot sakanya. Pakiramdam ko sobrang weak ko po pag ganitong bagay na yung kailangan naming pagusapan. 💔

Pero hindi lang naman po ito ang pagkatao nya. Mas marami parin ho ang mabuti, kaysa hindi magandang habit. Mas lamang parin ho ang pagiging mabuti nyang tao, maalaga at mapagmahal na tatay samin, lalo na sa mga anak nya. At ni minsan, hindi rin po nya ako niloko, o hindi sya nagcheat o nagkaroon ng ibang babae. Ako rin man po, siguradong may masamang ugali na nakikita nya. Pero sana po, magkaroon ako ng mas malawak na pagtingin, pagunawa at ibang idea kung paano po sya matutulungan sa ganitong side po.


▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now