Asawa kong may anak sa labas
Ano gagawin nyo if kayo nasa situation ko..
2weeks palang nakakauwi asawa from abroad. Before sya lumipad ng Pinas, may naging kabit sya and nabuntis nya. 2021 sya umalis ng pinas, that time buntis na yung babae pero di ko pa alam, nadiscover ko nalang January 2022 na, manganganak na yung kabit. Ayun, dumaan kami sa madrama at napaka stressful na time, (baranggay-yan, VAWC, PAO and all) nilamon ako ng galit that time and i was really determined na magsampa ng kaso (kasal kami) kaso sobrang nakakadismaya ang law sa bansa natin (Reklamo ko na rin tong napaka walang kwentang batas sa bansa haha) kahit kasal kami at kahit may anak sila, wala pa rin pala akong laban at tanging emotional abuse under VAWC lang ang kaya kong ikaso sa asawa ko.
Anyways, napagkasunduan din namin na magkaayos and give our marriage another try.. dama ko naman na mahal pa rin ako ng asawa ko, and mahal ko pa rin naman sya, besides, may toddler kami. Medyo ok na kami ngayon and napatawad ko na sila, nakausap ko na rin ung kabit before and sabi nya titigil na daw sya at sustento nalang ang ihahabol nya sa asawa ko if ever gusto mag abot ng asawa ko.
Ngayon kakauwi lang ng asawa ko, 2 weeks palang and nagpapaalam sya sakin if pwede bang ang maging set up is magbibigay sya ng sustento sa anak nya sa labas and dadalawin nya once a week.. i dont know what to feel, di ko alam if papayagan ko ba o hindi. Ayoko pagkaitan ng tatay yung bata, pero natatakot ako na if magkita sila nung babae once a week e baka lokohin nnaman ako. Sa totoo lang, naaawa ako dun sa anak nya sa labas kasi lumaki din akong maagang nawalan ng tatay (namatay si father bata pa ko) so i know the feeling ng walang kinalakihang papa. Ang gusto ko sana once a month nalang sya dumalaw dun sa anak nya sa labas, ayaw naman ng asawa ko, talagang gusto nya maging present dun sa bata. Di ko alam if papayag ako dun sa once a week na gusto nya and natatakot ako na baka pag hindi ako pumayag e magkita naman sila ng palihim.
Minsan naiisip ko na makipaghiwalay nalang ng tuluyan at maghanap nalang ng iba. Buong fam ko is ayaw na sa asawa ko, mama ko nalang yung nakakausap nya, lahat sila gusto na maghanap nalang ako ng iba, bata pa naman daw ako, 23 palang.. ilang beses ndin ako nagtry makipaghiwalay kasi pag nakikita ko mukha ng asawa ko, nandidiri ako at naaalala ko mga pang gagago nila, kaso ayaw naman nya pumayag.
Hindi ko na alam gagawin ko :(
Kung kayo nasa position ko, ano ba magandang gawin?▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
De TodoThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...