Reklamo ko lang tatay ko mga mars. 😅 Sobrang bigat na talaga ng nararamdaman ko haha.
Tay, 28 na ko. Buong buhay ko kung hindi palo, sampal, sipa ang natatanggap ko sainyo masasakit na salita at mura naman ang pilit kong nilulunok. Ni hindi ko na kilala sarili kong pagkatao. May asawa't anak na ko pero napakacontrolling mo pa rin. 🥲 Hirap na hirap na ko pa. Wala akong matandaan na masaya talaga ako. Andito lagi yung kaba na anytime mumurahin mo ako. Sa school di ako nag enjoy, nabully ako pero wala akong mapagsabihan. Ginagalingan ko sa school pero napagod na ko kasi di mo ko na-appreciate. Ni di ko naranasang gumala kasama mga kaibigan ko. Ni di ko naranasang makipag sleep over. Ni di ko naranasang mag outing. Nasa loob lang ako palagi ng bahay. Ngayong 28 na ko, ngayon ko lang narealized na ang dami-dami kong na-missed na opportunity at marami akong di na experience nung kabataan ko kasi takot na takot ako sainyo.
28 yrs old na ko, may marinig lang ako sumigaw, grabe na yung kaba ko. Feeling ko mumurahin moko o di kaya hahatawin ng palo. Marinig ko lang na tawagin yung pangalan ko, nangangatog na ko sa takot Tay.
Kung darating man yung time na kailanganin moko kasi matanda kana, sana wag kang magalit sa akin kung mas pipiliin kong magpakalayo-layo ng pamilya ko. Yung trauma na inabot ko sainyo. Ni di ko kayang makipag usap na nakatingi sa mga mata, sobrang galing ko magbasa noon. pero ngayon kung hindu uutal-utal, nag hahalo-halo mga words or letter nahihirapan ako magbasa. Ultimo 1+1 pa, kailangan ko pang i-calculator para masiguro kong tama ang sagot ko.
Muntik na kong magpakamatay Tay. Naglalaslas din ako nung high school palang ako kasi everytime na namamanhid katawan ko, sinusugatan ko sarili ko para maramdaman kong buhay pa ko. Para makalimot kahit konte.ANAK MO RIN AKO TAY. PAGOD NA PAGOD NA KONG GUMAWA NG TAMA. PERO SA PANINGIN NIYO PALAGING KULANG. PALAGING MALI. ANO PA BANG GUSTO MO PARA MATANGGAP MO KO? 😭 PARA TRATUHIN MO RIN AKO NG TAMA.
TAY MALAPIT NA KO MABALIW. KUNG HINDI LANG DAHIL SA ANAK KO, BAKA WALA NA KO NGAYON. ☹️
Inggit na inggit ako sa mga papa's girl. Sana lahat. 🥲
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...